AGKA (Part 40)

2.5K 124 14
                                    

MDE POV
__

HABANG pinag mamasdan ko si Elyzer na natutulog puro pasa ang mukha, my black eye, putok ang labi.Parang gusto kung balikan yung kiefer nayun para basagin ang mukha niya,  yung ginawa ko sa kanya kahapon kulang payun, hindi payun sapat na kabayaran sa ginawa niya.

"Oh ija..kanina kapa?" Si lolo ed.

"Kakarating ko lang lo. Kumusta siya?"

"Nagising siya kanina, hinahanap ka niya, sabi ko umuwi ka muna."

"Ganun po ba? Ano po ang sabi ng doctor niya?"

"Ok naman daw, pwedi na daw siyang ilabas, napagod lang siguro kaya tulog parin, pero mamaya gigising din yan ulit."

"Kaylangan lo. Baka bugbugin kona siya pag hindi gumising." Natawa ako.

"Ikaw talaga. So paano ikaw na muna ang bahala dito at akoy papasok pa sa opisina."

"Sige po lo. Ako na po bahala dito."

Akala ko aalis na siya. Pero niyakap niya ako "maraming salamat apo, salamat sa pagdating mo sa buhay ng apo ko, hindi ako nagkamali sa pagpili saiyo."

"Salamat sa tiwala lolo ed, makakaasa po kayong hindi ko papabayaan ang apo niyo. mahal na mahal ko  po siya lo. Wag niyo nalang pong sabihin baka kiligin na naman." natawa lang ang matanda.

"Sige hindi ko sasabihin." Pagsakay niya kaya natawa narin ako.

Paglabas ni lolo, siya naman pag dating ni muhajil kasama si daryl at Russell at yung dalawang nakasama namin kahapon.

Hindi ko alam pero parang umiiwas sila saakin, lalo na si Russell, sabagay hindi ko naman sila masisi.

Pero sana naman wag silang matakot saakin. Kaloka!

"Kanina kapa capt.?" Si muhajil.

"Sa labas lang muna kami." Si Russell na hindi parin makatingin saakin.

Kaya napatingin ako sa kanila.
Hindi pa ako nakakasagot tumalikod na sila.

"Galit ba sila saakin?" Tanong ko kay muhajil. Pero  nagkibit balikat lang siya, sabay subo ng apple.

"Hoy ipaalala ko lang saiyo na hindi ikaw ang pasyente dito." Singhal ko sa kanya. "Nagugutom ako capt. Saka hindi kayang ubusin ni boss barber yan." Sabi niya sabay upo.

"Saka capt feel ko hind naman sila galit saiyo. More on takot. baka natakot sila saiyo, hindi mo kasi nakita yung itsura mo kagabi, para kang sinaniban ni nico."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni muhajil..

"Sige ikaw na muna bahala dito, kausapin ko lang sila, saka pupunta narin ako sa canteen, pag nagising yan tawagan mo ako agad intindi?"

"Sa isang kondisyon." Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mong i silent ang cp mo. Mahirap na" sabi niya, sabay ngisi.  bweset

"Pag talaga ako nakabili ng cellphone who you ka saakin."

"Spell A.S.A capt. Ha ha ha ha ha" sabay tawa niya ng malakas. Kaya bago ko pa siya masapak tinalikuran kona.

Paglabas ko, agad kung hinanap sila daryl.
Pero wala sila sa labas ng kwarto ni Elyzer.

Tss baka umuwi na sila hays.

Kaya dumeretso na ako sa canteen, pag pasok ko, dun ko sila nakitang nakaupo mukhang my pinaguusapan silang maganda dahil nagtatawanan pa sila, pero nung nakita nila ako  bigla silang natahimik.

d>>>_<<<b

Dumeretso ako sa counter para mag order ng pagkain pagkatapos ko, naghila ako ng upuan sa tabi ni Russell. Hindi naman siya umimik. Tumikhim na muna ako bago nagsalita, tahimik parin sila!

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin