AGKA ( 11 Part)

2.6K 139 8
                                    

ITS been a week since that night and still! I didn't talk to margarret, she's avoiding me i don't know why, is she that mad?? Para akong hangin, kahit nagsasabay kaming kumain, kahit sulyap hind niya ako tinitingnan, sa school  naman lagi siyang busy with her friends. Tapos heto ako hind ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, hind ko alam bakit ako apektado sa galit niya.  even cheska i didn't answer her call. minsan tinatanong ko ang sarili ko, bakit ganito yung nararamdaman ko bakit ako apektado, bat ako nalulungkot pag nakikita ko siyang nakangiti sa iba, tapos saakin galit siya. bakit parang gusto kong manapak pag may nakikita akong lalaki na tumatabi sakanya sa canteen.

Jealous? Maybe! I don't even know.

Did i really fall for her??

Marami na akong naging babae, pero hind pa ako nakaramdam ng ganito, if they break up on me, wala akong paki..
And here's margarret. Nag suffer ako dahil lang sa galit niya.. the heck! This feeling is driving me crazy.

Kapag nakatingin siya saakin, kinakabahan ako baka may nagawa akong mali na naman.

Gusto ko siyang makausap, gusto kong mag sorry sa ginawa ko. Alam kung mali yun pero wala nangyari na e.

Napabuntung hininga ako.
"Oh, nakatingin ka na naman kay margarret? Lakas ng pagka bagsak mo pre, hulog na hulog kana. Bat dimo lapitan?" Its daryl, nabanggit ko narin sakanya yung nangyari, dalawa sila ni Russell at senermunan lang naman nila ako.
Asan ko ba daw nilagay ang utak ko bat ko nagawa yun hay.

"Paano? Ni hind nga kami nagkaka abot sa bahay e. Paano ko siya kakausapin?"

"Grabe! Minsan kaylangn ko pang tumingin saiyo, kasi hindi ako makapaniwala na ikaw ang nagsasalit. Hind ka naman ganyan sa mga girlfriend mo--"

"Alam mong wala akong serious relationship dud"

"Fine! E di flings." Sabay ngisi niya. "Alamo si margarret na siguro ang karma mo. Kaya matakot kana, dahil hind magandang karma yan, ngyon pa nga lang na nagalit lang siya hind kana mapakali e. Matagal na tayong magkakaibigan, ni minsan hindi pa kita nakitang mag lasing dahil sa babae, nung isang araw palang, kaya napagtanto kung hind lang crush yan pre, inlove kana"
Kaya napalingon ako sa kanya. Inlove? Ako? Anong alam ko sa love?
Parang ayaw sumang ayon ng sistema ko.
Pero yung puso ko ang lalakas ng tibok lalo nung mapalingon si margarret sa kinatatayuan namin and then she rolled her eyes the heck!.

"See? Lumingon lang nakangisi kana" sabi ni daryl sabay akbay saakin. "Gawan mo ng paraan yan dud. Baka maunahan kapa ng iba, ikaw din"..

"Hoyy, tinatawag na tayo ni coach aalis na tayo" tawag ni Russell saamin.
Ngyon kasi ang laban namin ng basketball sa ibang school.

"Russ"

"Oh?"

"Manonoud ba sila margarret?" Tanong ko dahil siya lang naman laging kinakausap ni margarret, close sila e.

"Sabi ni nisha oo daw, alamo naman yun malakas tama noun saakin" tss. yabang! "Saka sinabi kong isama si margarret, dont worry dud tutulungan ka namin ni pareng daryl jan sa heart problem mo." Sabay ngisi niya.
"First time mainlove ng pinaka masamang ugaling lalaki sa mundo kaya kung karma mo si margarret supportado mo kami." Sabay tawa nila. Kaya binatukan kona. Kainis!

Iniwan ko sila ni daryl na tawang tawa..
Sumakay ako sa bus na accupied lahat ng players malapit lang naman yung school na pupuntahan namin kaya dapat isahang sasakyan lang daw gagamitin.

Pagsakay ko sinandal ko ang ulo ko.
Nag iisip parin ako kung paano ko makaksusap si margarret, tama si daryl dapat gawan kona to ng paraan baka ika baliw kona to.

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Where stories live. Discover now