AGKA (Part 13 )

2.4K 124 0
                                    

From: Muhajil

Capt nasa parking na ako. Bilisan mo paalis na siya.

Dali dali akong pumunta ng parking area.
Paglabas ko, nakita kung naka sakay na si muhajil sa kotse niya..

"Nakaalis naba?" Tanong ko agad.

"Kakaalis lang, maabutan pa natin yun" ani niya.

"Meron bang sumundo sakanya?" Tanong ko

"Yung lalaki din na nakita ko nung isang araw capt."

"Ano sa tingin mo ang relasyon nila?"

"Nung huling kita ko sakanya, nag argumento sila, parang may ayaw si lina na inuutos nung lalaki."

"Paano mo nalaman? Narinig mo usapan nila?" Sabay tingin ko sa kanya.

"Ayun lang yun sa galaw ng mga kamay nila capt."

"Sabihin mo chismoso ka talaga muhajil."
Pero iningusan lang ako..
Sinusundan namin ngyon ang kotse na sinasakyan ni lina, matagal na siyang minaman manan ni muhajil.

Ayun sa kanya my lalaking naghahatid sundo sakanya sa apartment niya minsan salitan. Ayun din sa picture na pinakita niya saakin, may isa dito na nakatawag ng pansin ko, may inaabut na sobre ang lalaki ky lina, pareho nung na nakita ko nung isang araw na hawak niya habang nakapila kami sa billing, kasi sinamaan ko sila nisha.
Malakas ang kutob ko na may nagbabayad sakanya,. Sa ngayon nahihirapan pa kaming huliin siya sa akto habang naglalagay ng treats sa locker ni barber, pero umaasa akong mahuhuli korin siya.
Para matapos na tong mission nato at para makabalik nako sa trabaho ko, bago pa tuluyang lumala tong nararamdaman ko..

"Capt" tawag ni muhajil saakin kaya bigla akong bumalik sa wisyo ko.
Tinuro niya saakin si lina na bumaba sa sasakyan, sabay bagsak sa pinto
Saka siya pumasok sa apartment  niya.
Umalis naman kaagad yung kotse na sumundo sakanya..

Nakapark lang kami ilang dipa mula sa apartment niya, nanatili lang kami sa labas.

Makalipas ang isang oras my dumating na van sa tapat ng apartment niya at bumaba ang dalawang lalaki na parang armado.

Paglabas nila kasama na nila si lina..

"Sundan mo" sabi ko kay muhajil..

Sinundan namin hanggang tumigil sa harapan ng abandunadong gusali..
Bumaba ang mga lalaki kasunod nun si lina..
Nagkatingan kami ni muhajil na parang iisa lang iniisip namin..
walang ingay kaming bumaba sa sasakyan at nag hanap kami ng pwedi naming pasukan "capt. Marami sila dehado tayo pag nagkagulo." Ani niya.
"Dito ka nalang, hintayin moko pag hind ako nakabalik sa loob ng 30 mins tumawag ka ng back up."

"Pero capt" pag tutul niya..

"Thats an order muhajil."

"Yes capt." Sagot niyang pilit. Tinapik ko ang balikat niya bago naglakad.

Maingat akong pumasok sa loob ng gusali.
Napapalibutan ito ng mga armadong lalaki, tama nga si muhajil marami nga sila. Pero kaylangan kung makapasok sa loob, para malaman ko kung anong ginagawa ni lina sa ganiton lugar, at bakit kasama niya ang mga lalaking ito? Kasama kaya siya sa mga sindikatong to??

Ingat na ingat akong makagawa ng ingay, haggat sa nakarating ako sa isang pinto na tingin ko'y wala naman tao..
Mukhang secured nila ang area nato dahil walang bantay sa paligid kung saan ako naka pwesto..

Pagpasok ko sa loob, lalabas na sana ako ng marinig kong may naguusap..

"Ano lina? Ang tagal na kaming naghihintay hanggang ngyon wala ka parin matinong plano? Kaylan mo kami balak paghintayin?" Sabi nung lalaki baka siya ang boss.
"Boss konting tiis lang, hind lang ako makagalaw dahil marami ang nakabantay sakanya isa pa. Hind naman tayo dapat magpamadali dahil mabubulilyaso ang plano natin sa barber nayun, konting tiis nalang, makukuha din natin siya, kaylangan ko monang madispatsa yung girlfriend niyang laging nakadikit sakanya baka maging sagabal pa siya sa plano.." girlfriend? Wag niyang sabihing ako? Na fake news pati si lina.
"Akala ko ba walang girlfriend yun? Yun ang sabi mo. Kaya ka nga nakikipaglapit dun diba?" So matagal na palang nagpaplano ang babaeng to.
"Bigla nalang sumulpot ang babaeng yun, sa eksena, lagi  ko silang nakikitang magkasama, kahit sa pag uwi. Pero wag kang mag alala ako na bahala dun, boss konting oras pa" mukhang nakikiusap na sagot ni lina.

Bago pa nila ako makita at matunugan bumalik na ako sa sasakyan, naabutan ko si muhajil na nakatitig sa relo niya..

"Tara na" pagbukas ko ng pinto ng sasakyan niya sabay pasok.

"Kinabahan ako capt. 30mins at 53 seconds ka sa loob. Anong nangyari?"

"Si lina nga ang suspek sa lahat ng treats nayun at matagal na nilang planong kidnapin si Ej. Di lang sila makatsempo" sagot ko, hanggang ngyon di parin ako makapaniwala, isang tahimik na studyante ang pagkakakilala ko ky lina, buhay niya ang libro, pero my tinatago pala siya. Yung lina kanina, hind yun ang lina na katabi ko sa upuan.

"E yung treats sa company ng lolo niya??"

"Umalis na ako, kaya hind ko narinig tungkol dun"

"So anong plano mo? Huhuliin naba natin si lina capt?

"Hindi" maikli kung sagot?
"huh?"
"Magisip ka muhajil, kung huhuliin natin siya maaring makatunog ang mga kasamahan niya, masisira ang pagiging undercover ko. Huhulin natin sila isang hulian lang, yung walang makakaligtas" mahaba kung sabi.
"Paano capt?" Hays.

"Ako na bahala dun, sa ngyon mag drive kana muna ihatid muna ako sa masion ng barber" tumango naman siya..

Medyo malayo din pala yung pinuntahan namin ni muhajil huli na nung mapagtanto ko.. ilang oras din akong nawala, alas diyes na ng gabi. Pagpasok ko sa loob ng bahay yung mga katulong lang ang naabutan ko,  mukhang nasa taas na nga ang dalawa..

Umakyat na agad ako sa kwarto ko dahil kumain naman na ako bago umuwi dito, kaya maliligo nalang ako. Pag bukas ko ng kwarto ko deretso na akong nag alis ng damit huhubarin kona sana ang pantalon ko ng biglang my tumikhim sa likod ko.

"Walanghiya ka bastos, anong ginagawa mo sa kwarto kung unggoy ka.?" Tanong ko dahil gulat na gulat ako..

"Hmmp. H-hi-hini-n-tay ka-" pautal niyang sagot. dun ko lang napagtantong sa dibdib ko siya nakatingin. Kaya napatakbo akong kinuha yung damit  na hinubad ko at sinuot ko kahit sa harapan niya saka ako sumalampak sa kama. "Ano ngayon kalang nakakita ng dibdib ng babae?"sabay bato ko sakanya ng unan dahil hind parin siya nagsasalita, tumama sa mukha niya pero di siya gumalaw  "Hinintay kita sa parking lot kanina" kaya napamulat ako.
"Sabi mo magdidiner tayo." Dun na ako napaupo.. sheyt uu nga pala! Napatingin ako sa mata niya at damang dama ko yung lungkot niya, mukhang unang beses siyang nagyaya tapos binalewa. "Im sorry" yun nalang nasabi ko. "Hmmp may pinuntahan lang akong importante".

"May nakakita saiyo kanina, sumakay ka sa isang kotse my kasama kang lalaki." What the? "Sino siya? Margarret boyfriend mo?" Kingyna si muhajil??

Hind pa ako nakasagot,ng tumalikod na siya at lumabas ng room ko..
Masyado akong pagod para suyuin ang mokong nato bukas nalang..
Kaya pumunta nako ako sa cr para magbihis ng pampatulog..

Bukas ka nalang saakin
Masyadong kang sinswerte kung susuyuin kita ngayon e nakita mu na nga ang pinakatago tago ko. Sheyt kang unggoy ka.

____
          

              ❤ END OF CHAPTER ❤

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Where stories live. Discover now