AGKA ( 9 part )

2.6K 132 4
                                    

"Kayo na bahala sumabay sa tatlo wag lang kayo magpahalata, nasa likod niyo lang kami ni muhajil" pag tatapos ko sa usapan namin ni morales. nasa malapit lang kami ni muhajil nakasubabay sa kanila paalis mag gagabi naman kasi, so far ok naman naging takbo ng lahat dahil wala kaming nakikitang kahina-hinala sa venue kanina kaya naging maayos ang takbo ng lahat.

Hind ko makalimutan yung itsura ni Elyzer nung malaman niyang ako yung nakadikit niya kanina, nahirapan din ako! Hind ko maitatangging magaling talaga si Elyzer himala lang yung naunahan ko siya dahil siguro sa naka focus siya sa nauna sakanya at hind niya inaasahan yun, nakampante nalang siya.

Pero muntik na siya kanina dun sa Ong nayun. Buti nalang talaga mas mabilis ako!

Kundi ko lang sana narinig yung usapan nila kanina na plano nilang pilayan si Elyzer edi lagot na, kaya nga binatayan ko ko ang kilos ng kumag nayun..

Pero mukhang mapapalaban ako dahil hind rin basta basta tao pala ang ong nayun..

Bahala na nga, saka kona iisipin yun..

"Dito naba natin sila hihintayin capt?" Tanong ni muhajil nasa daan kami ngyon at hinihintay ang kotse nila Elyzer..

"Oo, magtetext naman si morales para malaman natin na anjan na sila. Saka magpapahinga narin ako masyado atang bugbug ang katawan ko sa laro nayun."

"Pero grabe ka capt. Walang kupas badass kaparin pag dating sa racing, ibang klase ka, kitang kita ko yung pagka dismaya at pagka gulat ni mr.barber nung malaman niyang ikaw ang nanalo, langya nag walk out bay." Napangisi ako sa sinabi ni muhajil. Kahit sila daryl hind makapaniwala sa nakita nila!
Kahit sinasabi ni Elyzer na ok lang halata naman yung pagtitimpi niya, sus naapakan naman ang ego niya..
Natigil ako sa pag iisip nag tumonog ang cellphone ko.

"Hello morales nasaan na kayo?"

"Capt. Pumasok ang tatlo sa D'brothers Bar sa may national road banda" anak ng tipaklong wala bang planong umuwi ang unggoy nayun.

"Sige..sige papunta na kami jan. Wag kayong lalayo sa tatlo"

Sabay baba ko ng cellphone ko.

"Sa D'brothers Bar tayo" sabi ko kay muhajil.

"Iinom ka capt? Celebration ba to?"

"Gago andun sila Elyzer at mga kaybigan niya"

"Sus! Ayaw mo lang mawala sa mata mo yun e, sabagay maraming chicks dun dapat bakura-- aray naman capt" binatukan ko, na mamake news na naman.

"Mission muhajil, wag mong kakalimutan" sabi ko sakanya.

"Sus! Aminin mona kasi capt." Abat kingyna to a. "Crush mona no?"

"Gusto mo bang barilin kita now na?" Sabay kuha ko sa baril ko sa compartment ng kotse.

"Sabi ko nga mission, ikaw talaga self kulit mo" sabay iling niya, minsan talaga nagsisi akong naipartner saakin tong gago nato lakas mang asar e. Nakakapikon madalas!

Pag dating namin sa labas nakita namin si morales mukhang hinhintay ata kami.

"Oh san yung mga kasama mo?" Tanong ko agad sakanya..

"Sa loob capt."

"Oh tara na,."pag aya ko sa kanila..

"Saan nga pala, naka pwesto yung mga ulupong?" Narinig kong tumawa si muhajil kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nasa vip po sila, my mga kasama po silang babae"

"Ah" sagot kaya pumasok na kami. Pero nakikita ko parin si muhajil na tumatawa. Nilingon ko siya kaya biglang napakuha ng cellphone kunwari my kausap, gago talaga!

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt