Nang matapos kaming kumain ay umakyat na kami sa kwarto at nagpaalam na si ate Jamie. Nagpasalamat naman kami lalo na si Luke sa mga magulang ni Hannah.

"Parang di ko na kayang manood ng movie guys, pagod na talaga ako sorry." sabi ni Luna.

"Ako nga din medyo nahihilo na ko lalo na at budgeting ang meeting namin kanina. Sakit sa ulo" dagdag pa ni Luke.

"Palit lang tayo ng damit, linis ng katawan, toothbrush then tulog na. Ganun na lang. Nagenjoy ka naman ba, Luke? Sabihin mo lang kung hindi  kasi sasayaw pa kami dito nila Bela, prepared ang Luke's Bebe Gorls!!! Diba mga sis?" sigaw ni Hannah

"YES! YES! YES!" sagot naman namin ni Luna na may pagtaas pa kamay na parang nagrarally.

Tinitigan muna kami ni Luke. "Itigil nyo na yan guys muka kayong nakadrugs. Magpahinga na tayo." Natatawang sabi ni Luke.

Nagpalit lang kami ng mga suot namin at sabay sabay kaming nagtootbrush. Ilang saglit pa ay nakatulog na silang lahat. Sana lahat pagkahiga tulog agad eh, noh? Ako kasi naisip ko na kung ano yung lunch ko sa isang araw pero mulat pa rin ako.

Lumabas muna ako sa balcony ng kwarto ni Hannah. Nagmasid masid sa tahimik na gabi. Joke! Ang poetic ko naman. Nagpahangin lang ako at nagbakasakaling makakatulog.

Maya maya ay may narinig akong mga hakbang. Paglingon ko si Luke lang pala. Kala ko multo na!

"Naggising ka ba nung binuksan ko yung pinto?" tanong ko.

"Hindi. Gising pa rin talaga ako. Hindi ako makatulog. Marami akong iniisip." nakatayo lang kami ni Luke habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.

"Anong iniisip mo?" t nang biglang umambon. Mga ambon na parang dumadampi lang sa mga muka namin.

"August 21 nga pala ngayon. Palagi talagang umuulan o kaya umaambon pag birthday ko."
sagot naman ni Luke.

"Talaga? Pati yun tinatandaan mo? " nakatitig kong tanong ulit kay Luke.
Tumango lang naman sya.

Instretch ko ang kamay ko na parang inaabot ang pumapatak na mga ambon.

"Bela. I wonder why they named you Bela. Alam mo ba meaning ng pangalan mo?"

"Nope."

"Destruction. Destroyer of enemies." sa totoo lang nagulat ako na ganun pala yung ibig sabihin ng pangalan ko pero mas nagulat ako na inalam pa talaga yun ni Luke. Inistretch din ni Luke ang kamay nya para abutin ang pumapatak na ambon habang yung isang kamay nya ay nasa bulsa nya.

"Luke means bringer of light." sabi ko naman nang maalala kong nagpaactivity nga pala samin dati sa church at pinahanap ang meaning ng mga pangalan sa Bible.

Tumango lang si Luke at napangiti sya. Yung reaksyon nya ay parang napahanga sya at gusto nya na akong palakpakan. Sobrang nakakatawa pero dapat seryoso lang. Hindi sya makapaniwalang alam ko rin ibig sabihin ng pangalan nya.

Tagisan pala to ng talino eh, noh?

"Hindi ko na tatanungin kung pano mo nalaman baka kung ano na naman isagot mo katulad ng lumpiang shanghai."

Nagtawanan lang kaming dalawa. Alam nya kasing puro weird lang pinagsasasabi ko minsan na sinusubukan  nya lang siguronv intindihin.

"Pwede malaman anong wish mo kanina?" makulit kong tanong kay luke.

"Marami yun pero isa lang pwede"

Pumayag sya bes.

"Ano yun?" curious talaga ako.

"Sana tawagan ako ni Daddy..." natigil ako nang bigla nyang sabihin yun. Hindi ko inaasahan na bubuksan nya yung ganitong usapan. Hindi ako handa. "...mula kasi nung umalis sya hindi nako nakapagcelebrate nang kasama ko buong pamilya. I mean, masayang masaya naman akong kasama ko kayo, sobra. Pero namimiss ko pa rin sila. Namimiss ko "kami". I just wish...." nakita kong naiiyak na si Luke pero pinipigilan lang nya. "...i just wish your mom didn't met my dad. i just wish your mom didn't became my dad's mistress."

At naiyak na si Luke. Kasabay nito ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakatakip pa rin ang muka nya ng kanyang kamay habang umiiyak at inalalayan ko sya papunta sa loob para hindi mabasa sa pagbuhos ng ulan. Sobrang sakit sa pusong makita si Luke na umiiyak. Kahit sino sa mga kaibigan ko ayokong makitang umiiyak. Pero involved ang sarili kong nanay sa mga dahilan ng pagiyak nya ngayon at wala nang mas sasakit pa dun. Hanggang sa naiyak na rin ako. Niyakap ko sya at sinabing "I wish it didn't happen too. I'm so  sorry."
























Red StringWhere stories live. Discover now