"Ito naman! Sige na isayaw na natin si Luke. Lahat naman tayo princess nya. " kinikilig na sabi ni Hannah na may kasamang pa-beautiful eyes pa.
Abala naman sa pagaayos ng handa si Tita Kristine at Ate Jamie para din mamigay sa mga kapitbahay. Tipikal na handaan ng mga Pilipino. At may mga dumadating pang iba para batiin si Luke.
Nagpatugtog naman ako ng "Worlds Apart" by The Mostar Diving Club.
🎶We were young seemed like life
Would go on last forever.
All I had was you by my side.
Some day you will answer
Remember how we were
When all our hopes and dreams
Just floated through the air 🎶
Unang isinayaw ni Luke si Ate Jamie na pinuntahan ko pa sa kusina dahil hindi nya kami marinig sa lakas siguro ng patugtog ko. Sumunod naman ay si Tita Kristine. Nang si Hannah naman ang isinayaw nha ay nagtawanan lang sila kaya binigay na sakin ni Hannah ang kamay ni Luke. Pero nung hahawakan ko na ang kamay nya, biglang yung magandang ngiti na lang ang napansin ko.
Bagay talaga sa kanya ang suot nyang blue na polo at meron pa syang mapupungay na mga mata at ang bango pa nya. Habang sumasayaw kaming dalawa hiniling ko na sana tumigil muna ang oras. Sana ganito muna kami. Natulala na lang ako. Hindi ako makapaniwalang ganito na si Luke. Hindi na sya yung Luke na iyakin pag palaging natatalo. Hindi na sya yung Luke na laging nang aagaw ng merienda naming pancake. Hindi na sya yung Luke na taga dala ko palagi ng bag (minsan ginagawa pa rin nya.)
Years have passed and he changed. I know he did. Nakatitig lang ako kay Luke at mas napangiti pako nang marealize kong sobrang lapit na ng mga muka namin sa isat isa.
Bakit?" tanong naman ni Luke. Umiling lang ako habang nakangiti pa rin sa kanya.
"Ahhhmmmmm...... Amoy lumpiang shanghai ka! " yun na lang nasabi ko. Sorry wala akong masabi. Ayos lang naman yan kasi sanay na sakin si Luke. Weird diba?
"Baliw to. Wag ka maingay ako umubos nung lumpia kanina. Hinahanap ni ate!" sabi ni Luke at natatawa nya akong niyakap na parang isang kapatid na matagal nang hindi nakita. Bumulong na lang ako ng "Happy Birthday" at kumawala na sa pagkakayakap nya. Iniabot ko na kay Luna ang kamay ni Luke. Pinanood ko silang dalawa habang sumasayaw sa kanta. Nakakatuwa. Nakakatuwang unti unti nang nagbabago ang lahat. We're all growing.
Maya maya pa ay binago na ni Hannah ang tugtog na parang pangdisco at sumayaw kaming lahat na nakangiti at sobrang saya. Sana hindi na matapos ang gabing to na puno na lang ng tawanan.
Nang napagod na ay naupo kami at hindi ko maipaliwanag pero parang bahay na talaga namin tong lahat. Sobrang welcome kami at ang sarap sa pakiramdam na ganito ang pangalwa mong pamilya at sabi nga nila maswerte ang isang tao kung may kaibigan syang maiituring nyang kapamilya. At pasalamat ko na isa ako dun.
"Mga anak kakain na ba kayo? Tara kain tayo!" pagaaya ni Tita Kristine.
Pagdating sa lamesa ay naupo na kami at naglead naman ng prayer si Luke para magpasalamat sa panibagong dagdag na taon sa kanyang buhay. Kumain kami nang masaya at nagtatawanan habang binabalikan ang mga nakaraan noong kamiy mga bata pa katulad nung sinadya naming iligaw si luke sa mall. Nung mga panahong yun nakatago kaming tawang tawa habang pinanonood syang umiiyak.
O kaya naman ay nung makapitan ng bubble gum ang buhok ni Luna na kelangan pang gupitin ng Mama nya. Pinakanakakatawa talaga nung hinabol kami ng aso ni Hannah pero palaban si Hannah kaya yung mga aso ang hinabol nya dahilan para magtakbuhan papalayo ang mga ito. Hindi ko makakalimutan ang iyak ko at yung itsura ni Hannah nung mga panahong yun na sobrang naiiyak na din pero kelangan pa rin nyang lumaban, ganun. Grabe talaga. HAHAHAHA
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionMay isang paniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may nakataling invisible red string. Ang red string na ito ay konektado naman sa taong makakasama nya sa mga importanteng bahagi ng kanyang buhay. Ito ay maaaring magbuhol, mahila ngunit hinding hin...
Chapter 2
Start from the beginning
