Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [35]

Magsimula sa umpisa
                                    

At ito ako ngayon. Nakatitig pa rin sa babaeng nagpapabaliw na ata sa akin! Natutulog siya sa may sofa. Nakakainis. Hinayaan ko siyang matulog sa sofa?! Ano ba namang klaseng lalaki ako?! Tss. Nakahawak pa din ako sa kamay niya. Anong oras na ba? 6 am? Hmm.. 8 pa naman ang klase namin. Gigisingin ko na ba? Paano ko haharapin?! Kahit na ginawa naming joke yung kagabi.. baka ngayon lang niya marealize yung ginawa ko na..

AISH! KALIMUTAN MO NA KASI YUN!

"COURTNEY!!!"

"SORRY PO! HINDI PO AKO NATUTULOG! NAKIKINIG PO AKO SA LESSON NIYO PROMISE!"

Tapos kumurap kurap pa siya noon. Tapos kinusot kusot lang ang mata. Tapos.. *blink blink*

"YAAAA! ANO KA BA! BAKIT KA BA SUMISIGAW?!"

"Kasi hindi ka nakikinig sa lesson ko Ms. Chua."

"HUH?! WAAAAAAHHHH!! I HATE YOU TALAGA!! ~___~"

"Oo na. Sige na sige na. Hate na kung hate. Umuwi ka na!"

"BUTI NAMAN PWEDE NA AKONG UMUWI! Hindi na kita makikita! SA WAKAS!"

"Umuwi ka na, maligo, kumain, magbihis.. at maya maya.. nasa tabi na ulit kita *wink*"

"YUCK! Tigilan mo nga ako. Ang cheesy mo pweh!"

"FEEL NA FEEL MO NAMAN?! Kinikilig ka din naman?! UMALIS KA NA SA PANINGIN KO!"

"F-I-N-E!"

Tapos umalis na siya. Grabe. GOOD MORNING naman saamin db?! So. Bumaba ako at nakasalubong ko si Papa.

"O anong problema mo? Kung makatingin ka naman. -___-"

"Sungit ng anak ko! Itatanong ko lang kung ano na naman ginawa mo kay Chanel."

"Dad. COURTNEY! It's COURTNEY!"

"Anak. CHANEL! Chanel ang pangalan niya!"

"Whatever. Fine. Call her Chanel. Basta ako Courtney ang itatawag ko."

"Anyways, okay ka na ba? Masama pa ba pakiramdam mo?"

"Hindi na. May pagkain? Ano?"

Tapos ayun, inihanda niya yung pagkain sa table. Ewan ko pero lumalapit na talaga ang loob ko sa kanya. ULIT. Nakakatuwa kasi, simula ng nagjoint forces ang business ni Mama at Papa hindi na sila masyadong stressed. Madami na silang oras para sa amin ni Courtney. Minsan kasi, kapag pupunta na kami ng school, pupunta sa bahay namin si Mama tapos tutulong sa paglilinis at pagluluto habang si Papa naman nagaayos ng business thingy. So parang nagtutulungan sila. Nakakatuwa sila. Parang magasawa pero magbestfriend lang talaga. FEELING BAGETS!

Pagkatapos ko kumain, umakyat ako, naligo at nagbihis. Simple lang. T-shirt lang at pants. Di naman ako maporma e. SA MUKHA NA LANG TOL! :D YOWN! Yumabang :) Noong bumaba ako kinuha ko lang ang bag ko na hindi ko naman nabubuklat! Props ko lang yun.

"Anak. Si Chanel nasa labas na, bilisan mo. Wag mong pagintayin ang fiancee mo."

"Yaan mo siya. -___-"

"Magaling ka na nga talaga!"

ANO BA YUN?! Magaling na agad kapag ganoon?! Tss. Weird ng mga tao. Ewan ko sakanila. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko mababdtrip talaga ako ngayong araw na ito. ~__^

"O bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?"

"E ano ngayon?"

"GRABE! ANG SUNGIT! >___<"

Haay. Nasungitan ko pa si Courts. Ano bang problema sa akin? Siguro mali ang gising ko. EWAN KO! Nababadtrip ako. ~__~ AISH! BAKIT?! Ayoko na nga magsalita. Baka naman may magalit pa sa akin. So habang nasa sasakyan at papalakad ng room tahimik lang kaming dalawa ni Courtney. Wala talaga ako sa mood umimik. Siguro epekto ng gamot.

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon