Prologue

21.1K 422 70
                                    

Hi Miss @purpleyhan ! Belated Happy Birthday! And Merry Christmas and a Happy New Year! :)


DISCLAIMER: I don't own Tantei High, and the characters of TH. Credits to ate Ann


~*~*~


Prologue


"I'm so freaking pissed.." Aniya ni Ayumi at ginaya ang white chicks. Napatingin naman sakanya ang mga kaklase at pilit na pinipigilan ang tawa sa nakita. Nagulat sila ng tumayo bigla si Ayumi at linapit ang kaklaseng si Hiro. "Hoy Hiro!" Sigaw ni Ayumi at pilit na itinayo si Hiro.



"A-ano?" Nauutal natanong ng binata.



Hiro Madrigal. Ang Top 1 ng klase nila, nerd pero gwapo. Kinaiingitan ng mga lalaki dahil nasakanya palagi ang atensyon ng kababaihan. Mayaman, gwapo, sikat, at matalino, idagdag niyo pang maganda ang boses at magaling sa mga music instruments.



"Diba ikaw si Hiro? Si Hiro ng Tantei High! Ang anak ni Hideo? Ngayon sabihin mo sakin, asan si Akemi? Si Akane? Si Ken? Si——" Naputol ang sasabihin ni Ayumi ng magsalita kagad si Hiro.



"Eh malay ko ba dyan sakanila? Arrogant Prince ang binabasa ko! Hindi Tantei High!" Inis na sigaw ni Hiro at padabog na umupo. Tiningnan naman siya ng dalaga with no emotions. Char.


Tantei High. Story by Purpleyhan. Ang kinaadikan' basahin ni Ayumi. Gustong-gusto niya kasi ito, ang plot, ang mga pangyayari, pati nadin ang mga kapangyarihan nila na tinatawag na 'sixth sense'. Sa sobrang kaadikan niya, ay naiinis na siya. Sa lahat ng tao. Dahil gustong-gusto na niyang mapunta ang eskwelahan na iyun. Kahit wala naman talaga yan dito. Gusto niyang mapunta sa Tantei High, Black Dimension, at sa lahat ng lugar dun.


Linapitan ni Ayumi si Hiro. "Sigurado akong may alam ka, Hiro. Kaya please, tulungan mo nalang akong hanapin ang Tantei High." Napatigil siya saglit at agad pinagpatuloy. "Diba naexpell si Jane? Baka nandun siya sa Tantei High!"


"Stop that crap Ayumi, walang Tantei High, walang Black Dimension, walang sixth sense o seventh sense pa man yan! Kung ako sayo, bago ka pa mabaliw. Sagutin mo nalang ang mga logic questions." Hiro said.



Napatigil si Ayumi sa kinatatayuan. Pero bigla siyang napaisip, baliw daw siya. She grinned. "Baliw na kung baliw, basta hahanapin ko ang Tantei High!"

Finding Tantei HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon