[7] Is this even real?

3.8K 160 18
                                    

Chapter Seven; Is this even real?



Sinalubong ng isang malawak ngunit napakatamis na ngiti ni Ayumi si Hiro. Nasa isang pampubliko parke ang dalawa at puno ng mga bata kahit na alas-otso palang ng umaga. Habang papalapit ang dalaga sa nakabusangot na mukha ni Hiro ay mas lalong lumawak ang ngiti nito. THIS IS THE DAY! I'M OFFICIALLY A DETECTIVE! Sigaw niya sa isip at napatigil sa paglapit kay Hiro tsaka tumili nang pagkalakas-lakas na halos lahat ng tao sa parke ay mapatingin sa kanya. Hindi naman mapigilan ni Hiro na lumapit sa dalagang nagsusumigaw sa gitna ng parke at kulang nalang ay gumulong sa sahig para perfect! Baliw talaga!



"Hoy! Ano bang problema mo? Mapagkakamalan ka pang baliw—!"


"Wake me up when I care!"


"Bwisit! I knew I shouldn't have gotten out of bed today!" Inis na sigaw ni Hiro sa sarili at rinig na rinig naman ito ni Ayu, malamang magkatabi lang ata sila. Napakunot naman agad ang mukha ni Ayu at kinurot ang tagiliran ng binata.


"Bwisit ka rin! Sino bang nagpumilit na sumama ka? Ha?!"


"Leche! Ikaw kaya ang nagpumilit sakin! Aray peste!" Sigaw ni Hiro sa sakit nang mas lalong diniin ni Ayu ang kurot sa tagiliran. "Hoy wag mo kong mamumura dyan!"


"Fvck! Oo na!"


Humiwalay si Hiro sa dalaga nang dalawang lakad. Mahirap na baka makurotan uli siya. Hinimas-himas ng binata ang tagiliran habang nakatingin sa dalagang nakangiti mag-isa partida nakapikit ang mata at nakataas ang dalawang kamay. Confirmed: Baliw talaga si Ayu.


"Hiro! I kennat! Kyah!" Muling tili ni Ayu.


Napaface palm naman si Hiro at lumapit uli sa dalaga. "Oo nga, ang excited mo masyado. Simulan na natin, dahil ang init!!"


"Oo na eto na bwisit!"


Kaya narito ang dalawa dahil sa misyon' binigay ng detective agency kay Ayu, at bilang isang dakilang mabuti -ehem- kaibigan, ay nagpresinta si Hiro na maging ass, este pinilit ni Ayu si Hiro kaya walang magawa si Hiro.


Nagsimulang maglakad ang dalawa at magtanong-tanong sa mga taong nakakatagpo nila. Nasa gilid sila ng daan pero may kakahuyan ito papasok. Napatigil si Ayu at lalapit sana siya nang hawakan siya ni Hiro sa braso. "Saan ka pupunta?"


Tinuro ni Ayu ang nasa kabilang daan kung san may isang malaking arko doon at kitang-kita sa loob na puno ito ng mga puno, nakakatakot tingnan sa labas pero huh. Si Ayumi Sato yan, walang kinakatakutan.


"Wag mong sabihin pupunta ka dyan?"


"Ganun na nga!" Sigaw ni Ayu at tumawid nalang basta basta ni hindi man lang niya tiningnan kung may paparating na sasakyan. At dahil may pagkacliche itong story ay may sasakyan nga at, tada!! Nasagasaan si Ayumi. End na ba ito?

Lul! Syempre hindi.


**


Nagising na lamang si Ayumi sa isang di pamilyar na lugar. Hindi ospital, kundi isang kwarto na puno ng kulay na dilaw gamit, may iba rin kulay puti at violet. Creepy ang atmosphere ng kwarto, pero napawi yun nang makakita siya ng isang pusa. Naalala niya tuloy si Demi.


Lumapit siya rito at hinawakan ang pagkakapal-kapal na balahibo nito. Napabungisngis siya nang marinig niya ang pag-ungol nito. Kawaii-desu. Sabi niya sa isip at pinagpatuloy ang paghawak sa pusa. "Ang kyot kyot ni Demi—"


"Gising ka na pala."


Gulat na napatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Nakabangs ito, mahaba ang buhok, at ano pa man yang kaeng-engan basta. Maganda siya, napakaganda at kulang nalang himatayin siya sa sobrang saya.

"I'm Akemi. Welcome to Tantei High!"

Finding Tantei HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon