[13] Way

2.6K 111 9
                                    

Chapter Thirteen : Way


Sinundan ni Ayu si Yuuka at tsaka sinabayan sa paglalakad. Hindi alam ni Ayu kung san sila papunta pero, bahala na. Hindi niya alam ang lugar kung asan siya, hindi niya kilala ang mga tao dito-- o matatawag ba talaga silang tao. At lalong-lalo na, hindi niya alam kung sino ang mapagkakatiwalaan niya. Alam naman niya na-delikado ang mundo nila, ang mundo ng mga Senshins.


Magsasalita sana si Ayu nang itinaas ni Yuuka ang kanang kamay nito, senyas ito na wag ituloy ang sasabihin o wag magsalita. Yumuko na lamang ang dalaga at kinuyom ang mga kamay.


Napangisi si Yuuka. "Alam kong napakapasaway mong bata pero di ko akalain na, ganito ka pala kagrabe."


Napa-angat ng ulo si Ayu sa narinig. "Ano kamo!?"


"Tahimik."


Hindi napansin ni Ayu na nasa isang kwarto sila na puno ng mga bulaklak at halaman, ito siguro ang kwarto ni Yuuka. Pero imbis na mamahanga at magandahan ang dalaga sa paligid, ay takot ang nadama niya. Dahil na ata siguro sa aura ni Yuuka.


Umupo si Yuuka sa isang upuan'g gawa sa roots ng puno at may kasama pang iba't-ibang uri ng dahon. "Oh? Bakit tila ika'y natakot, binibini? Akala ko ba'y, malakas ka? Maangas, walang kinakatakutan." Tumigil ito at nagbuntong-hininga. "Gustong-gusto ko pa naman'g makita ang ugali mo."


Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa rosas na nakalagay sa tabi ng upuan. "Alam mo, ang ugali mo. Parang bulaklak, minsan maganda, minsan hindi. at kung mawalan ng epekto ang kamaldita mo, masisira agad ang sangga mo. At unti-unting mahuhulog ang mga talutot ng bulaklak, na nagsisilbing ugali mo."


Napa-atras si Ayu sa sinabi ng dalaga. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang isasagot niya.


Muling nagkawala ng malalim na hininga si Yuuka. "Ipakita mo sakin."


"Ano?" Tanong ni Ayu.


"Ipakita mo sakin kung gano mo kagusto ang mundo namin, ipatunayan mo samin kung gano ka determinado na maging katulad samin."


Ang weird niya. Nasabi na lamang ni Ayu sa isip.


Umayos ng tayo si Ayu at sinukatan ng tingin si Yuuka. At ngumisi. "Paano naman?"


"Hindi ko iyon problema."


Napakagat na lamang ng labi si Ayu at napapikit. Inaalala ang lahat. Inaalala kung bakit niya gustong maging tulad nila, kung bakit gustong-gusto niya ang mundo nila. Nagsimula siyang magkwento. Kung bakit, kung papaano. At pagkatapos niyang ikwento lahat kay Yuuka, isang demenyong ngisi uli ang sinukli nito.


"Ganon pala, pero binibini. Hindi dahil sa kwento mo ay pwede ka na sa mundo namin." Sabi nito. "Pero bakit si Hirata--"


"Iba siya."


Dalawang salita lamang ang binigkas nito ngunit mapapaatras ka talaga sa lalim ng pagkabigkas nito. Napangiti na lamang ng mapait si Ayu.


"Paanong naiiba?"


Nagsalita ito pero hindi maintindihan ni Ayu. Anong sinabi niya?


"Kung ikaw, gustong-gusto mo dito. Si Hirata, kinamumuhian niya dito." Sabi nito na ikinatigil niya sa pagtingin sa bulaklak na hinahawakan nito. Hindi mapakaniwalang napatingin siya kay Yuuka. A-anong sinabi niya ulit? Kinamumuhian niya ang mundong ito?


"Hindi nagkamali ang iyong pandinig. Totoo 'yon."


Napayuko si Ayu nang maramdaman niyang may nagbabadya'ng luha sa mga mata niya. "Bakit ang unfair ng buhay.."


Napatigil si Yuuka at umupo uli sa upuan niya, tsaka tiningnan ng maigi ang umiiyak na Ayu. Napangisi na lamang ito. "Sige bata, umiyak ka. Umiyak ka hangang maubos ang mga patak ng luha mo at mapalitan iyon ng dugo mo. Sige para makuha ka nila."


Hindi tanga si Ayu upang totohanin ang kagustuhan nito, kaya naman. Tumingala siya sakanya kahit na pumapatak parin ang luha niya. "S-sino'ng nila?"


Sumeryoso ang mukha ni Yuuka nang itanong ni Ayu iyon. "At bakit ko naman sasabihin sayo, humdrum?"


"Dahil determinado akong mapunta sa mundo ninyo!"


"Talaga binibini? Determinado ka? Pwes, hindi sapat ang rason mo upang magin katulad ka namin!"


Muling pinigilan ni Ayu ang mga luha niya at pinunasan niya ito, tsaka buong lakas lumapit sa umuupong Yuuka at hinawakan ang magkabilang braso tsaka hinila ito patayo. Nagulat sa una si Yuuka sa ginawa ni Ayu pero agad 'yon napalitan ng ngisi niya. "Anong hindi sapat na rason? Linoloko mo ba ko? Hindi mo ba alam kung gano ko kagusto dito? Kahit nasa mundo pa ko ng mga tao, o sa iba pang mga mundo. Itong mundo talaga ang gusto ko. Ito. Ang mundo ninyo. Gustong-gusto ko dito eh... gusto--"


"Gusto mo lang dito pero kailanman ay hindi mo mamahalin ang mundo namin." Nawala ang ngisi ni Yuuka ng sabihin niya 'yon. At si Ayu, nagulat, hindi makasagot.


Unti-unting kumalas si Yuuka sa pagkahawak sa kanya ni Ayu tsaka lumakad papaalis. Mga nasa tatalong hakbang palang si Yuuka nang matigil siya sa narinig niya, sa tanong ni Ayu.


"Sabihin mo sakin ang rason kung bakit andito si Hirato sa mundo ninyo, kung pano siya napadpad dito."


Pinagpatuloy ni Yuuka ang paglalakad at hindi sinagot ang tanong ni Ayu, pero nang nasa malapit na siya sa pintuan ay tumigil siya.


"Hindi ko maaring sabihin sayo." Tumigil ito sa pagsasalita at pinagpatuloy muli nang hindi sumagot ang dalaga. "Ayumi Sato, kahit gano ka kadeterminado, kahit gano mo kagusto dito sa mundo namin. Kailanman ang hinding-hindi mo mamahalin ang mundo namin."


"At hinding-hindi ka magiging katulad namin." Patuloy pa nito. "Tandaan mo yan--"


"Then I'll find a way!" Sigaw ng dalaga. "Hahanap ako ng paaran upang mapabilang ako sainyo! Upang maging senshin na ako o ano pa man yan! Senshin, shinigami, hunters, o ano pa man yan! Basta, ayaw ko nang maging humdrum!"


"Ayan ba talaga ang gusto mo? Yan ba talaga ang nais mo, Ayu?'

'

Tumango si Ayu. "Hihintayin kita. Hihintayin ko ang paraan mo."



------

A/N: Sorry for the late update. Madalas kasi, hindi ako makaisip kung anong ilalagay ko sa susunod na chapters, kasi naman hindi gumagana utak ko!. Gomenasai! >.<


Finding Tantei HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon