[2] Joke

7.4K 230 101
                                    

Chapter Two; Joke


Ayu pouted nang makita niya si Hiro na kausap si Riana. Hindi niya alam pero may nararamdaman siya, galit? Bakit naman siya magagalit? Porque ba nakita niya si Hiro na kausap si Riana, magagalit na siya? Di kaya, nagseselos ka? Ayu? Sabi ng kanyang konsensya at napakunot ang noo niya. Kaano-ano ba sila ni Hiro para pagselosan niya sila? Okay given na ang gwapo, mayaman at matalino ito but that's not the reason para magselos siya sakanila. At sa isang Riana Montez siya magseselos? Holler?! Inaamin niya sa sarili na maganda si Riana, but duh? She's a goddess, Ayumi's a goddess. Napapikit siya ng mariin nang makita niya ang paghalik ni Riana sa pisngi ni Hiro, a part of her want to cry pero.. bakit siya iiyak? Iniwas niya ang tingin sakanila at padabog na lumakad papuntang silid nila. "This is so bad.." Aniya ng dalaga.


Pasalamat nalang siya na wala dito ang Atama Family kundi mababasa nila ang isip ni Ayu. Nakakahiya yun. Pero mas okay nadin kung andito sila dahil masaya siya. Makakasama niya sila Akemi at Hiro. Napabungisngis siya nang makaisip siya ng kalokohan tungkol sa Hiromi-pero nakakakilig. Eversince nabasa niya ang mga scenes na magkasama sila Hiro at Akemi ay di niya mapigilan kiligin, well Hiromi for the win, ika niya. Pero pano na si Darwin? Aniya niya. Kanino niya ishiship si Darwin? Kay Teressa na dating klasmeyt ni Akemi? Ay wag! May Gerald na si Teressa, hmm. Sino ba pwedeng iship kay Darwin? Si Kesley? Si Gemma? Ewan!


Napatigil siya nang mapansin niya sa tapat ng room nila ang daming estudyante.Lumapit siya doon at napataas ang kilay niya nang madatnan niyang may kaaway si Riana, and its Amielle. Ang otaku friend niya. Lumapit siya rito at parang dumaan si Moses nang mahawi ang daan na linalakaran niya. "Hoy Riana! Anong ginagawa mo kay Amielle?"


Inirapan siya nito. "Tinuturuan ko lang ng leksyon! Paharang-harang kasi sa dinadaan-at teka nga, bakit ko naman pala sasabihin sayo? Kayong mga baliw sa Tantei High! At sa mga Anime na hindi naman nag-eexsist.." Napatawa siya sa sinabi ni Riana. "Eh ano naman ngayon kung hindi sila nag-eexsist? Eh kayo nga, iniidolo ang mga retokadang koreano na yan na hindi ka naman mapapansin! Ni hindi nga kayo kilala!" Hirit ni Ayumi.


Nakita niya ang sunod-sunod na lunok nito. At nagulat siya ng tumakbo ito sakanya at sinabunutan siya. Pero agad napawi ang pagkagulat niya at ginantihan rin si Riana.


"Pare-pareho lang naman tayo ah!" Sigaw ni Riana kay Ayumi habang nagsasabunutan sila. Ayumi gritted her teeth. Grabe na ang inis na naramdaman niya, ang kinikimkim niyang inis sa lahat. Ang inis na di niya mahanap-hanap ang TH, ang inis na nadarama niya kay Hiro, at ngayon. Kay Riana. She can't control her temper anymore. Buong lakas niyang itinulak si Riana at natumba naman ito. Di mapakaniwalang napatingin sa kanya si Riana.


"Oo, tama ka pare-pareho lang tayo..." Sabi ni Ayumi with a low voice. "Pero mas mahirap ang nararamdaman ng isang otaku.." Mapait na ngumiti si Ayumi at pinagpatuloy ang sasabihin. "Lalong-lalo na sa isang tulad ko na 'adik' sa isang storya na hinding-hindi naman totoo, at kahit kailan... hinding-hindi ko sila makikita.."


Tatakbo na sana si Ayumi pero agad siyang natigilan nang makita niyang nasa harapan ang kanilang Guidance counsellor. "Ms. Montez and Ms. Sato! Detention later!"


**


Uwian na at nasa detention room parin si Ayumi at Riana. Alas-tres ang uwian nila at 2 hours ang detention nila kaya maghihintay pa siyang mag-alasingko, si Riana naman ay hangang alas-sais. Linibot ni Ayumi ang paligid at napangiti nang maisip niyang nasa Tantei High siya, pumikit siya at pinakiramdaman ang tahimik na paligid. Madilim, hihi pakiramdam ko tuloy nasa daanan ako papuntang Detective Agency.. Bumungisngis siya habang nakapikit. On the other hand, nakatingin lang sakanya si Riana, at si Hiro.. ang tagabantay ng mga nadetention. Napailing si Hiro sa inasal ni Ayumi at pinagpatuloy ang pagbabasa ng ehem- Arrogant Prince...

Finding Tantei HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon