[23] Kaba

1.4K 22 11
                                    

Chapter Twenty-three; kaba


"Ano? Kurumiyawa?" Nakakunot ang noo ni Ayumi habang gulat na tinanong ang kaklase. Natawa ang iilan sa kanila, at ang babaeng tinawag niya kanina ay napasimangot. Lumapit ito sakanya at nagpadyak sa harap niya. Hindi niya mapigilang mainis sa inasta nito.


"Kurumizawa! Not Kurumiyawa!"

Lumayo ng konti ang dalaga sakanya. "What? Kurumisawa?"

"Ugh! Wag mo ngang babuyin ang pangalan ko!" Napasigaw nalang sa inis ang babae at lumayo sakanya. Napangisi siya, at umupo sa bakanteng upuan katabi ng isang dalagang naka-eye glasses. "Sareh." 


"Uh.. I'm Sakura." Pagpapakilala ng katabi ni Ayumi. Ayu faked a smiled, at umirap pagkatapos. Nakasalubong niya ng tingin ang lalakeng mukhang pilyo pero seryoso pala. "Siya si Satsuki." Aniya.

Tumango si Ayumi, at pinasadahan ng tingin si Sakura at Satsuki. "Kambal?" She asked. 

Umiling si Sakura. "Magkaiba ng ama."


"Hmmm. 'kay." She nodded at liningon ang isa pa. "Ako si Toru." Napatikhim siya nang makasalubong niya ang mata nito. Her hazel eyes were beautiful, tiningnan niya ang mukha nito at nakakurba ng maayos ang kilay at labi nito, matangos rin ang ilong, parang alon ng dagat ang kulay brown na buhok nito. Perfection.


"What's you're sixth sense?" Biglang tanong ni Kurumi. Nanlamig ang buong sistema ng dalaga. Inirapan niya ito. "You first." 


"Hmm. Taray." Napa-irap rin si Kurumi pero sinagot na rin. "My sixth sense is telekinesis. Kaya kong igalaw ang mga bagay na gusto ko if I focused on them.. What's yours then?" 

"Sabihin mo muna yung sakanila." Sagot ni Ayumi.

"Wow ha?" Inis na saad ni Kurumi. "May pagka-similarity ang sixth sense nila Sakura at Satsuki. Sakura can somehow see through things pero hindi pa gaano talaga, while Satsuki can see through things kahit atom size na ito.." 

"Talaga? May pagka-parehas pala sila ni Hayate? Pwede ba 'yon?"

Kibit-balikat ang sagot ni Kurumi. She continued. "While Toru can see everything from above." Lumingon siya kay Ayumi. "Eh anong sixth sense mo?"

"Uh..." Napalingon-lingon siya sa paligid. "Yung mabuti pa kumain muna tayo, nagugutom na ako eh. Wala pa akong pahinga." 

Napataas ang kilay ni Kurumi sa sagot ni Ayumi. She felt something, pero binalewala niya nalang. Nagkibit-balikat siya. "Well, okay.. Kailangan mo talaga ng pahinga, PE kasi sunod nating subject. You need a lot of energy... and I mean it.." 


Agad pumasok sa kwarto si Ayumi. Nakita niya ang bag niya sa taas ng kulay pink na double deck, agad siyang pumanik doon at nagpahinga. Kailangan kong magplano ng mabuti.. 


***

"Hoy! Gising!" 


Eh?


"Gising na ba si Ayu?" 

"Hindi pa! Gosh magagalit si Miss Irene satin!" 


Naalimpungatan si Ayumi sa narinig niyang ingay. Agad niyang nakita si Sakura na tahimik na nagsusuot ng medyas sa isang violet na double deck habang si Kurumi naman ay nasa paanan niya. 


"Hey!" Sigaw ni Ayu. 

"Buti naman at nagising ka na!" Napabuntong-hininga si Kurumi, tinampal niya ang hita ni Ayu. "Gising na, gising! Tumayo ka na dyan, maligo at magbihis! Bilisan mo!" 

"Dahan-dahan naman!" Sigaw niya ulit, at tinulak si Kurumi.


"Oh my god!" 


Nagulat si Ayumi nang makita niyang nahulog si Kurumi sa double-deck. Rinig na rinig niya ang lakas ng pagkahulog ni Kurumi. Biglang bumukas ang pinto at niluwa ito ni Toru at Satsuki.


"Kurumi!" Sigaw nilang lahat.

"A-aray!" Iyak ni Kurumi at halos hindi makaupo. Kurumi stayed at the floor, lying. Agad siyang inalalayan ni Satsuki. 

"Anong ginawa mo?" Galit na singhal ni Satsuki.

"I-I'm sorry!" Hindi alam ang gagawin. Dahan-dahan siyang bumaba, habang dahan-dahang inaangat ni Satsuki si Kurumi. 


"K-kuya.." 

"Sakura, pumasok kayo ni Toru kay Miss Irene. Akong bahala kay Kurumi." Saad ni Satsuki at umalis.

Ayu was left with Sakura and Toru.


Galit siyang binalingan ni Toru, at hinila si Sakura. "Lika na Sakura, pumasok na tayo."


Shit!


***


"Ang kapal talaga ng mukha niya!" Rinig ni Ayu na sigaw ni Toru. "Bago palang siya dito gumawa agad ng eskandalo! Anong karapatan niya? At si Kurumi pa talaga ang nadiskitahan niya!" 

"T-toru... mukhang hindi naman sinasadya ni Ayumi eh.." Sagot ni Sakura.

"Anong di sinasadya? Kahit wala ako sa scene na iyon alam ko kung ano ang sinadya at hindi!" Nakarinig siya ng hampas. "Halika na nga, Sakura! Late na tayo!" 


Nang wala na siyang marinig na ingay ay lumabas siya ng kwarto. Ayu felt weak suddenly. Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung paano pakitutunguhan ang mga kaklase niya. Hindi niya ginusto ang nangyari, well, Ayu got a bad temper afterall. 


Napapikit siya at napasandal nalang sa higaan niya. Somehow, Ayu wished this never happened. Sana hindi nalang niya nakita ang Tantei. Sana hindi nalang niya nadiskubre ang libro. But things were never easy.


Ayu wants to give up already. Nasa simula palang siya pero hindi na niya kaya ang pressure. Ano ba ang mangyayari pag malaman ng lahat na may nakapasok na humdrum? Hindi lang siya ang maagrabyado, pati narin sina Hideo. 


But this is her dream. Ayu wants to be a part of it.  Buong-buo ang desisyon niya noon pero ngayon nagdadalawang-isip na siya. Hindi mawala-wala ang kaba sa sistema niya-- hindi mawawala ang kaba. 


Ayu made a crime. 






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Tantei HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon