Chapter 30

1K 78 32
                                    

Miguel's POV

Kasama ko ngayon si Abby sa gym. Malapit narin kasi ang next fashion show ko. Aalis ulit ako.

"Ano ba talagang issue nyo ni Sela at iniiwasan ka niya ng ganyan?." Inom ko ng tubig. Umupo muna kami sa gilid.

"K-konting tampuhan lang. Alam mo naman yun."

"Sa bagay, may pagka OA din minsan yung kapatid ko na yun. Basta ah, pagbalik ko dapat okay na kayo."

Tumango lang siya. Parang may kakaiba kay Abby lately. Hindi ako sure kung ano yun pero basta.

KINABUKASAN

Maaga nakong umalis. Katabi ko sa van si Nikko.

"Iiwan mo na naman siya. Pano yan? Diba di sila okay ng kapatid mo? Sinong magbabantay kay Abby?."

"Yan na nga iniisip ko ngayon bro eh. Kaya dapat talaga magkaayos na sila."

"Ano ba talagang pinag-awayan nung dalawa?."

"Hindi ko nga rin alam eh. Ayaw kasi nilang sabihin--"

"Alam mo bro, alam kong iisipin mong nababaliw ako pero please hear me out."

"Ano yun bro?."

"Ewan ko lang kung totoo bro ah, pero feel ko nagkadevelopan na yung dalawa."

"Alam mo bro, parang tama ka. Nababaliw ka na nga. Ano ka ba? Yung girlfriend ko at kapatid ko may something? Haha imposible."

"Bakit? Madalas kayang mangyari yun."

"Madalas sa lalaki. Bro, babae yung kapatid ko. At saka parang magkapatid na yung dalawa."

"Dati yun, eh pano ngayon? Diba na stranded sila months ago? Pano kung nagbago yung isip nila at narealize nila na mahal pala talaga nila ang isa't isa?. Tapos umeksena ka lang at natakot lang si Abby na ipagtapat sayo na si Sela talaga ang mahal niya."

"Bro, we're not in a movie or teleserye. Okay?. At saka alam kong di kayang gawin yun ni Abby at Sela sakin. Si Sela na mismong nagsabi, she's straight. And sa tingin ko nililigawan talaga siya nung Brent."

"What if lang haha masyado ka namang seryoso."

"Hindi kasi nakakatuwa no."

Sana lang talaga di totoo. May time rin kasing parang may napapansin ako kay Sela.

..

Abby's POV

Today is Saturday. Maagang pumasok sa work si Tita Mena samantalang tulog pa si Sela.

Buti naman at hindi nakalock ang kwarto niya kaya nakapasok din ako agad.

Tulog parin si Sela. Tumabi ako sa kanya at pinanuod lang siya habang natutulog.

Bigla siyang napabalikwas nang makita ako pagmulat niya.

"A-anong ginagawa mo dito?."

"Mars--sela, na miss kita sobra."

"Out!."

"I'm gay."

"Abby, ano ba? Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Get out of my room, now!."

Kaya lumabas nako.

Nanood ako ng TV sa baba, medyo matagal din hanggang sa biglang pinatay ni Sela ang TV. Fresh na siya ngayon kasi nakaligo na at toothbrush. Tapos narin siyang kumain.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Where stories live. Discover now