Chapter 26

818 72 20
                                    

Sela's POV

"Mars, calm down." She held my hand. Nagpapanic attack nako right now.

"Sunog! Sunog!." Narinig pa naming may sumigaw sa labas.

"Mars, nakita ko na tong lahat eh. Sabi ko na, mangyayari to. Abby please, promise me na you won't be like Jack." Umiiyak na nga ako sa sobrang takot.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Sinong Jack?."

"Yung sa Titanic. Nagtutugtog na ba sa labas ng My Heart Will Go On yung band?."

"Sela, we're not in a movie."

"I know. Pero we're all still gonna die."

Biglang may kumatok.

"May tao ba dyan?. Lumabas na kayo!." Rinig naming sabi ng isang lalaki. Pagbukas namin nagulat nalang kami nang bigla nalang pumasok ang tubig na hanggang tuhod na.

"Aano po ba talagang nangyayari?." Tanong ko.

"The boat is sinking. Nabunggo tayo ng ibang ship."

"P-po? Pano naman po nangyari yun?."

"Mahabang storya. Tara na. Papunta na ang mga rescue team."

Sumunod kami sa kanya. Grabe na pala dito. Sobrang dami nang nasira at nabasag. Nakayakap parin ako kay Abby.

This is a cliché story pero ibang iba pala talaga pag naexperience mo mismo.

Medyo madilim ngayon dahil maraming ilaw narin ang hindi gumagana sa puntong ito. Naghintay kaming lahat sa highest deck sa sinasabi nilang parating na tulong. Nakakatakot kasi kumukulog at kumikidlat parin.

Umabot ng 30 minutes bago sila dumating. Sumakay na ang mga pasahero sa speedboats at fastcrafts.

"Sela, tara na." Hila sakin ni Abby.

"Mars, hindi ko kaya--"

"Ano?."

"You know I'm scared of dark waters."

"Mars, are we seriously gonna deal with your phobias right now?."

"Mars, hindi ko talaga kaya--"

"Then just close your eyes."

"Nagsisiksikan na sila Mars. Pano kung mahulog ako--"

Biglang may nag land na helicopter sa deck.

"Ayan, okay na siguro yan sayo." Sabi ni Abby. At yun nga ang sinakyan namin. Dalawa lang kaming sumakay na pasahero dun. May isang pilot at isang copilot.

Medyo nakakalayo layo na kami sa iba na nasa baba. Feel ko naman ito yung safest way na makauwi agad.

Nakahinga na sana kami nang biglang tamaan ng kidlat ang helicopter na sinasakyan namin.

We're crashing down. Nagpray nalang ako habang nakayakap parin kay Abby. I guess ito na ang katapusan namin.

..

Miguel's POV

KINABUKASAN

Ano?! Ma, huminahon ka muna.

Anak, pano ako hihinahon? Hanggang ngayon di parin nila natatagpuan ang kapatid mo at si Abby. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Where stories live. Discover now