Chapter 20

870 75 32
                                    

Miguel's POV

Eto na nga po kumakain na. Kasama ko po si Nikko.

Pakausap nga ako.

Inabot ko naman kay Nikko. Nakaloudspeak naman kaya maririnig ko ang conversation nila.

Hello po Tita.

Hello iho. Kamusta na kayo dyan? Behave lang ba si Miguel?

Okay lang po kami Tita. At opo haha hindi nya naman po binibigyan ng sakit sa ulo ang handlers namin. Actually po mapapadali na yung training niya kasi may nag offer agad sa kanya na sumali ng fashion show sa isang clothing brand.

Talaga? Wow. Sige iho. Thank you. Basta ingat lang kayo dyan lagi. Si Mama po pala namimiss ka na. Tawagan mo din daw siya paminsan minsan.

Sige po Tita.

Sige iho. Next time ulit. Bye.

Bye po.

Baba niya na.

"Sanaol. Yung girlfriend mo pala bro kamusta na kayo nun?."

"Ayun may family outing daw sila ngayon."

"Sure kang family talaga yung kasama? Baka--"

"Pinapunta ko si Sela to make sure. At saka hindi yun magagawa sakin ni Abby."

"Hmm mabuti naman. Pero mahirap yan. Madalas hindi nagwowork yung LDR."

"We'll make it work."

"Pano pag nalingat yun sa iba?."

"Kaya nga pinapabantayan ko kay Sela diba? Tsk. I'm sure pag may nangyaring ganun magsusumbong agad yun."

"Iba parin bro. Magbest friends sila, maaaring pagtakpan niya yung kaibigan niya--"

"Bro, hindi ganun si Sela. Okay? Hindi niya magagawang magsinungaling sakin. Ayaw nun sa sinungaling."

..

Abby's POV

Kahit kailan talaga Abby napakasinungaling mo. Aminin mo na kasi.

Ayoko!

Bakit? Dahil ba may boyfriend ka na at dapat siya lang yung gusto mo at hindi yung kapatid niya?. Wala na diba? Wala na dapat. Pinilit mo na yung kalimutan.

FLASHBACK

Isa sa reasons kung bakit ako binubully ni Gabb ay dahil narin sa itsura ko. Let's just say na hindi pako masyadong nag-aayos ng sarili nun.

Palaging buhaghag ang buhok, bilad sa araw, oily skin at maraming tigyawat. Kung hindi lang talaga ako academic achiever malamang walang papansin sakin. Samantalang kabaligtaran naman kay Sela. Siya yung pretty girl ng school, the popular one, additional pa na sobrang bait at talino niya. Nasa kanya na lahat. Kaya imposible. Imposible talaga.

Recess.

Hindi sumabay si Sela sakin dahil may gagawin pa raw siya. Kumain nalang ako mag-isa. Hindi parin pumupunta dito sa cafeteria si Sela kaya nag-alala nako. Hindi pa naman yun kumain kanina ng breakfast, kaya hinanap ko siya at--

Kilalang kilala ko yung boses na yun. Nasa loob sila ng abandonadong school building.

"You think talaga na magkakagusto ako kay Abby? Haha joke ba yun?. Gabb,oo close kami simula pagkabata pero tingnan mo naman yung itsura nun, beasty. Sa tingin mo ba ang  katulad ko papatol sa isang katulad niya? Baliw ang makakapag-isip na jojowain ko siya.." Hindi ko inaasahan na marinig yun galing mismo kay Sela.

First heartbreak. That was the moment na nagdecide nalang ako na kalimutan yung lecheng feelings ko for Sela. The reason why pinipilit kong magkunwari na nagkakagusto lang ako sa mga gwapo ay para ipamukha sa kanya kung gaano siya kababaw. Kasabay nun ang pagiging conscious ko na sa sarili. Pero kahit na nagpaganda nako't lahat lahat na, parang wala parin siyang napapansin.

Isang araw nakita ko si Sage sa Quiapo habang pauwi nako. Hmm interesting, nagpapahula siya. Makakinig nga.

"Marsela Guia po. Yan po yung picture niya. Ulit po, ang mga palantandaan na sasabihin mo sa kanya ay una, matagal niya nang kilala, tapos nakasuot ng pula, papayuhan siya pagkalipas ng dalawang araw, ililigtas siya sa pagkakalunod at ang panghuli ay hahalikan niya po ako.." wait, so may gusto si Sage kay Sela? Teka di ko gets.

Wala namang kaso sakin since nakamove on narin ako. Tagal na nun. 4 years narin. Ngayon totoong kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kanya.

Isang araw, sinama ako bigla ni Sela sa Quiapo which is ipinagtataka ko. Magpapahula daw siya. Which is ipinagtataka ko kasi hindi naman siya naniniwala sa mga ganito. She's the most rational person I know. Bigla kong naalala si Sage.

Pano niya napapunta si Sela dito? Was it just coincidence?

"Pano ba naman kasi napakahilig mo sa gwapo kaya ayan napapala mo. Oh, parang siya na ata yung manghuhula mars. Ano? Tuloy ko ba to?."

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo. Hanap lang ako ng CR."

"Sige. Balik agad ah."

Tumango tango lang ako at umalis na.

Malapit nako sa public restroom nang makasalubong ko si Sage na may dala dalang bag at kumakain ng ice cream.

"Uy Abby, ikaw pala yan. Si Sela?."

"Andun nagpapahula. Ikaw? Sinong kasama mo?."

"Ako lang. Pasyal pasyal."

"Ah ganun ba? Sya nga pala, bukas na yung Science Quiz Bee."

"Oo nga eh. Naghahanda na rin ako. See you nalang bukas. Kayo ba ni Sela ang partners--"

Nang biglang,

"Snatcher! Snatcher!." narinig naming may sumigaw na babae. At walang ano anoy may lalaking tumulak kay Sage, which we believe is the snatcher. May dala dala kasi itong bag na pambabae.

"Tabi!." sigaw ng snatcher. May mga police na mang dumaan para habulin siya. Pero itong damit ko natapunan na pala ng ice cream na dala ni Sage.

"Naku Abby, sorry. Sorry talaga--" punas ni Sage pero  lalo lang itong kumakalat. Kaya may naisip siya. Kinuha niya ang bagong biling T-shirt sa bag niya. Nakaplastic pa kasi ito. And it's color red.

"Ito. Gamitin mo nalang-." He offered. Sobrang bait talaga.

"Pero Sage--"

"Tanggapin mo na. Sayo na yan. Pasensya na talaga. Nadumihan ko pa yung damit mo. S-sige ha, I have to go na. Bye Abby." sabi niya lang at umalis na.

Nang masuot ko na ang shirt, saka ko lang na realize. So, ito pala ang plano niya. He's faking the signs para isipin ni Sela na si Sage ang hinahanap niya. Hmm interesting.

Napaisip ako. What if tuparin ko yung signs na dapat kay Sage. Ano kayang magiging reaction ni Sela pag nalaman niyang ako pala yung hinahanap niya all these time.

EOFB

Prank lang sana yun dapat kasi nag-eexpect narin ako na sasabihin ni Sela sakin na yun yung resulta ng hula sa kanya. Pero hindi niya sinabi kaya inisip ko nalang na baka hindi niya naman pinaniwalaan. I mean isang malaking kalokohan lang na isipin na ako talaga ang para sa kanya.

Tapos ngayon parang biglang bumalik ulit yung minsan ko nang nakalimutan, may sabit pa. Universe, pinagtitripan mo ba ako?.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Where stories live. Discover now