Chapter 2

1K 86 15
                                    

Miguel's POV

Andito nako sa court nang makita ko si Sage sa bleachers. Hindi pa naman nagsisimula ang training kaya tinabihan ko na muna siya.

"Oh kumusta?." akbay ko sa kanya.

"Failed ako sa second sign."

"Panong failed?."

"May nangyari kasi eh. Hindi ko nasuot yung pula."

"Patay tayo dyan. Pero may ibang signs pa naman diba?."

"Yan din yung problema. Sabi ko dun sa manghuhula na yung the one para kay Sela ay papayuhan siya after 2 days. In two days kasi Division School Level na yung Science Quiz Bee na sasalihan nila ni Abby since expected ko narin na sila yung mananalo ngayon. Konting advice lang naman. Yun yung next sign. "

"O tapos alin dun yung problema?."

"Sinabi nung matanda papayungan daw."

"Sounds like kasi haha. Madali lang naman yun edi payungan mo siya."

"I checked the weather for tomorrow. Hindi uulan."

"Mainit ang panahon pwede kang magpayong."

"Pano kung magdala siya ng sarili niyang payong?."

"Ako nang bahala dun, syempre. Sya nga pala pare, yung ipinangako mo saking projects and assignments, asan na?. Bukas na final deadline nun."

Kaya ko naman talaga tinutulungan tong mokong nato para lang gawin niya lahat ng mga kailangan kong ipasa. Nakakatamad na kasing gawin ang sandamakmak na school and homeworks.

Alam kong wala din naman siyang chance sa kapatid ko. Masyadong pihikan yung babaeng yun, impossible siyang magkagusto sa isang to.

"Oo nga pala. Eto. Natapos ko na lahat. Pwede mo na yang ipasa bukas." kuha niya nito sa bag niya.

"The best ka talaga. Thank you pare ah. Sige, dun nako. Andyan na si Coach."

"Sige Pare. Basta yung payong ah."

"Oo. Ako nang bahala."

Umalis narin siya agad.

..

Sela's POV

Kumakain na kami ngayon. Napansin kong nakatingin lang si Abby sa mukha ko tila pinipigilan ang sarili na matawa.

"Bakit?. May dumi ba sa mukha ko?." tanong ko. Nag-eexpect ako na pupunasan niya ang dumi sa mukha ko or the side of my lips gaya ng mga nangyayari sa movies, too cliché.

Pero hindi yun yung ginawa niya. Kinuha niya lang phone niya sa bulsa at binuksan ang camera app at hinarap sakin para makita ko ang sarili ko.

"Ayan. Kita mo na? Haha. Mukha kang tanga." Sabi niya. Pinunasan ko naman ng tissue ang may ketchup kong labi at pisngi. I'm not disappointed, I'm just I don't know--I can't find the right word to describe what Abby just did.

Tapos tumingin ulit siya sakin.

"Mars mars."

"Oh ano?."

"3 o'clock." Nakangisi niyang sabi. Lumingon naman ako sa tinutukoy niya. Nakakita na naman to ng gwapo. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Di maawat, ang bilis ng mata pagdating sa pogi. I just rolled my eyes.

"Mars, mukhang bakla." sabi ko sabay tuloy lang sa pagkain.

"Ay? Judgemental sis?."

"Obvious kaya. Tingnan mo, may lalapit sa kanyang lalaki mayamaya."

"Hala Mars ang galing mo--"

"See? Sabi sayo--" lingon ko.

"Niloloko mo naman ako eh." hampas ko sa kanya.

"Hahaha napakaconfident mo kasi na bakla siya. Pano nalang kung--" napatigil siya sa pagsasalita, tama nga ako. Bakla siya. Dumating na yung boyfriend niya para sunduin siya. May pa kiss sa cheeks at paholding hands pa yung mga bakla.

"You were saying?." I smirked at Abby.

"Sige, ikaw na may gumaganang gaydar. Ano ba namang buhay to oh. Lahat nalang. Lahat nalang talaga."

"Wag ka nang malungkot Mars, marami pa dyan. Para ka namang mauubusan. Mabuti pa bilisan mo na dyan para makauwi na tayo agad at makapag-aral. Maaga pa competition natin bukas."

FF

10pm. Kakatapos ko lang mag-review at magpray. Matutulog na sana ako nang makarecieve ako ng text from Abby.

Have you ever wondered why blue is so uncommon in nature? It doesn't come out as a pigment but only an illusion.

Now, I'm starting to wonder why.

Fake Blue is an interesting concept. Pwede ko sigurong gamitin yun dun sa project natin sa literature. What do you think?.

Pwedeng pwede. That's great Mars. Buti ka pa. Ako kasi wala pang naiisip eh. Pero next week pa yun diba?

Oo. At saka I'm always willing to help. Don't worry, tutulungan kitang maghanap ng inspiration.

Thank you Mars ah. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko without you.

Sige na. Tulog na tayo. Gising ng maaga bukas ah. Goodnight. Love you.

Madalas namang nag-ailoveyou sakin si Abby, pero ba't ngayon parang iba?. Bakit ba ako ngumingiti? Para akong sira. Bakit masyado naman ata akong masaya?

KINABUKASAN

This is the day. Naalala ko yung third sign. Papayungan ako ni Mr. The one. Siguro naman makikita ko na talaga siya ngayon. Ang hirap na kasing umasa.

Kasama ko na ngayon si Abby sa venue ng competition.

Wala pa namang nangyayaring payungan. At alam ko talagang isang malaking pagkakamali yung pagsuot ni Abby ng pula ng araw na yun. Hindi pwedeng siya ang hinahanap kong the one. Walang dalang payong si Abby,  dyan palang alam ko na na hindi siya yung tinutukoy ng manghuhula.

FF

Mamayang hapon pa ang awarding andito ngayon kami sa labas ng venue para kumain at pabalik na kami nang biglang pinayungan nako ni Abby.

Wait what?

"Pasensya na ma'am. Okay lang po ba kayo?." tanong nung lalaking nasa taas. Nagpipintura pala siya at aksidente niyang natabig ang paint can at matatapunan sana ako nung pintura. Mabuti nalang sobrang bilis ni Abby. May nakita siyang payong na parang pinapatuyo sa ibaba lang na karinderya. No, this can't be happening. It happened again. Natupad kay Abby yung hula.

"Okay lang po manong, next time mag-iingat napo kayo. Ate, sayo po ba tong payong? Sorry po ah. Papalitan ko nalang po." Sabi niya dun sa babaeng nakaupo kanina malapit sa payong. Sabay sauli dun sa payong.

"Okay lang miss. Ang importante hindi kayo napano. At saka parang maganda to, may design na yung boring kong payong." sabi nung babae. Itim lang kasi ang kulay ng payong niya tapos nakulayan ng dilaw na parang isang abstract painting. Mabuti nalang nagustuhan niya.

Pero ang pangyayaring ito hindi ko na nagugustuhan. Bakit si Abby? Hindi pwede. Ayoko. Ang weird naman kasi.
Nakatulala parin ako.

"Okay ka lang?." nag-aalalang tanong niya sakin.

"Ah--oo.  Uhm pasensya na talaga Ate. At salamat po pala. Sige po,malelate na kasi kami eh." ingat ko at umalis na kami.

Habang pabalik parin kami sa venue,

"Are you sure okay ka lang?."

"Oo naman. Ba't naman hindi?." pero ang totoo sobrang bothered nako.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora