Chapter 5

1K 88 12
                                    

Sela's POV

Andito na ako ngayon sa kwarto ko.

Ayoko na talaga. Natupad ulit sa kanya yung hula. Nagkataon lang naman to lahat diba?. Nagkataon lang.

Hindi nga kasi pwedeng si Abby yung taong yun. Ayoko.

Mahal ko naman siya eh, pero talagang friends lang kami. Parang kapatid ko na siya. Ba't ko naman siya pag-iisipan ng ganun? Kadiri ka talaga Sela. Bakit ka ba ganyan ha?.

Natatakot nako lalo na sa mga susunod pang mangyayari,

FLASHBACK

"Ang panghuli. Hahalikan mo siya."

"P-po?. Ba't ko naman po gagawin yun?. Alam ko na ba kung sino siya? Bakit ko po siya hahalikan?."

"Yan ang kailangan mong alamin.."

EOFB

Napailing nalang ako. Ba't ko naman gugustuhing gawin yun? Kinikiss ko siya minsan pero sa cheeks lang. Siguro yun lang ang ibig sabihin ni manang.

Pero iba talaga eh. Masama ang kutob ko dito.

KINABUKASAN

Saturday. Binalikan ko yung manghuhula.

"Oh neng, bumalik ka. Magpapahula ka ba ulit--"

"Hindi ko po alam kung panong nagkakatotoo po yung mga hula niyo, pero manang hindi ko napo nagugustuhan ang mga nangyayari. Ayoko na."

"Anong ibig mong sabihin iha?."

"Hindi ko po nagugustuhan na natutupad sa taong yun lahat ng mga hula nyo. Manang, hindi po pwedeng kami ang magkatuluyan--"

"Bakit naman? Alam mo kasi ineng, mahirap kalabanin ang tadhana."

"Wala po bang ibang paraan? Siya na po ba talaga yung taong hinahanap ko? Ano po bang dapat kong gawin--"

"Bakit ba ayaw mo sa taong ito?. Ineng, subukan mo lang. Subukan mo lang  na maglaan ng oras na kilalanin ang taong ito nang mas maigi, baka sakaling maintindihan mo kung bakit siya at hindi iba ang nakalaan sayo."

Kilalanin si Abby? Eh kilalang kilala ko na nga siya. Buong buhay ko kasama ko na siya. Anong pakikipagkilala pa ba ang kailangan?

Umuwi ako sa bahay at nagulat ako nang makitang andun si Abby. She's helping my mom sa pag serve ng lunch namin sa dining table.

"Mabuti naman at andito ka na anak. Look, Abby helped me cook." masayang sabi ni mommy.

"How about me Ma? Tumulong din naman ako ah." Arte ni Kuya.

"Oh sige na, tumulong ka na. Eh nagtaste test ka lang naman. Anyway, let's pray so we could eat na." sabi ni Mommy, siya na ang naglead.

Tumabi ako kay Abby.

"San ka galing?." tanong niya.

"Dyan lang sa labas. Ikot ikot."

"Ah. Ay sya nga pala Tita, thank you po pala dun sa gift nyong dress. Ang ganda po." sabi ni Abby kay mommy.  Dress?. Ba't parang di ko ata alam to?.

"Ha? Anong dress mars?."

"Belated gift niya. Nung december pa sana kasi yun."

"Yung red dress ba Abby? Si Miguel pumili nun." Sabi ni Mommy.

"Talaga Kuya? Ikaw pumili nun?." tanong ni Abby kay Kuya. At saka red dress?.

"Oo. Syempre. Favorite color mo yung pinili ko." ngiti ni Kuya.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Where stories live. Discover now