Chapter 16

878 75 19
                                    

Abby's POV

Hindi ko naman talaga kilala kung sino yung Cherprang na yun. Naalala ko lang nung last time na nagalit si Sela sakin. Di ko parin kasi maintindihan kung bakit niya ikinagalit yung sinabi ng kung sino man yun. At saka pano siya nakakasigurong babae yun eh pwede namang lalaki si Cherprang.

Pero naisip ko na baka naman ganun yung reaction niya kasi parang nagmumukhang niloloko ko lang ang Kuya niya.

Yun lang sana yun hanggang sa makita ko ang reaction niya ngayon. Parang hindi talaga siya natutuwa. Actually, feel ko na katapusan ko na ngayon. Nakakatakot si Sela,grabe.

"Joke lang hehe. Nakalimutan mo na ba? Na wrong send lang yung tao. To naman. Hindi pa yun nangyayari sakin." Sabi ko nalang.

"Ba't ka kasi nagtatanong ng mga ganung klaseng bagay?." Sabi niya tila naiirita.

"Wala. Naisip ko lang. Kahit minsan ba hindi ka nagwonder what it's like?."

Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoo eh baka matakot to sakin. Ba't mo ba kasi ginawa yun Abby?. Nahihibang ka na ba?.

Nakatitig lang siya sakin.

..

Sela's POV

Anong isasagot ko sa kanya? Puso please, pwede kumalma ka naman muna. Nag-iisip ako eh. Mamaya ka na maexcite.

"S-syempre, hindi." Sabi ko. Talaga lang Sela ha.

"Hay naku, wag na nga nating pag-usapan yan. Balik na nga tayo kay Kuya, sa ano? Kayo na ba?."

"Hindi pa nga pwede diba?."

"Malay ko ba na nililihim nyo lang ang relasyon nyo--"

"Kilala mo ko. Di ako ganun. I'd never do anything na makakasira sa trust sakin ng parents ko. At saka kung kami talaga ang para sa isa't isa, makakapaghintay siya."

"Talagang mahal mo na yung Kuya ko no?."

"Oo, kaya lang may pero. Sya nga pala, yung sa hula sayo--hanggang ngayon di mo parin sinasabi sakin."

Ba't ko naman sasabihin sayo yun eh parang ikaw yung sinasabi sa hula. Oo nga pala, isang sign nalang ang hindi natutupad. That sign where I would--seryoso ba talaga yun? Gagawin ko yun? Ineechos lang siguro ako nung manghuhula.

"Mars, wuy. Ano bang nangyayari sayo? Haha palagi kang lutang." Uhm, Abby--why are you rubbing my arm like that?.

Kalma lang Sela. Wala lang yan, ano ka ba?. Masyado kang malisyosa.

"M-marami lang kasing iniisip mars. Alam mo na,  sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang linggo. Lalo na yung pagkawala ni Sage."

"Ganun ba. Pero sige na please, sabihin mo na. Anong sinabi nung manghuhula? Kasi alam mo Mars, di talaga ako naniniwala sa ganyan. Pero nung nagpahula ako, grabe--sobrang accurate. Biruin mo, lahat ng signs na sinabi sakin nung manghuhula sa taong makakatuluyan ko natagpuan ko sa kuya mo." Parang hindi naman ata masayang marinig yan Abby.

Ba't ka ba nagkakaganyan ha Sela? Bakit ka naaapektuhan? Ba't ka naiinis? Eh nagmamahalan nga sila ng kapatid mo.

"T-talaga? Ano namang signs yun?." Ngayon parang sobrang plastik ko pa makitungo sa kanya. Eh bakit ba? Hindi talaga ako natutuwa eh.

"Di daw pwedeng sabihin eh. Ah kaya siguro hindi mo sinabi sakin no?. Sayang, hindi pala si Sage yung para sayo. Wait, natupad ba sa kanya yung hula?."

"H-hindi eh."

"Eh kanino?."

"Secret."

"Ay? Ang daya naman. Nagsesecret ka na ngayon sakin Sela ah. Akala ko ba bestfriend mo ko? Ba't may pa secret secret ka na?."

Dapat lang talaga secret yun kasi ikaw yun eh. Ikaw yung katuparan. Kaya nga ayoko nang maniwala sa mga hulahula na yan.

"Hindi na importante yun. Besides, wag kang magpapaniwala dyan sa mga hula hula na yan. Hindi naman yan totoo eh."

"So, sinasabi mong posibleng hindi si Kuya Miguel mo ang para sakin?.Na may iba pa out there for me?."

"Exactly."

"Eh sino naman yun?."

"Aba malay ko. Pwedeng hindi mo pa siya nakikilala or matagal mo na siyang kilala."

Napaisip naman si Abby.

"Hmm interesting. Sino kaya no? Ikaw mars? May bago ka na bang nagugustuhan?."

"Wala naman. Ikaw parin ata."

"What?."

"Ah w-wala Mars. Ang sabi ko wala. Wala parin. Saka na. Aral muna." Bwisit tong bibig ko, may sariling pag-iisip. Muntik pa tuloy akong mapahamak.

"Ahhh. Mabuti yun mars. Studies muna."

2 days later, inaya ako ni Abby na sumama sa kanila na mag overnight sa isang beach resort. Kasama ang parents,sisters and cousins niya na si Coco at Mark.

Naliligo na sila ng dagat habang andito parin kami ni Abby sa cottage. Syempre, unang una hindi ako marunong lumangoy. Nagstay nalang si Abby para may kasama ako. At talagang natrauma ako dun sa party na muntik nakong mamatay nung nalunod ako.

Buti nalang niligtas ako ni Abby nun. Ang ganda niya talaga. Alam mo yun, yung parang all these time ngayon ko lang siya actually nakita ng ganito. Na ewan, hindi ko maexplain. Parang isang araw nalang biglang I payed more attention to her na and started to appreciate her whole being. Normal naman yun diba?.

Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nakatingin sakin ng seryoso,

"Mars, sa tingin mo--makakapaghintay kaya ang Kuya mo?."

"Oo naman. Think positive lang okay?."

"Pano kung may iba siyang mahanap dun? Na mas maganda, mas matalino, mas mabait--"

"Kung mahal ka talaga niya, hindi siya matutuksong lumingon sa iba."

"Pero pano nga?."

"Then tanggapin mo nalang na hindi talaga kayo para sa isa't isa."

"Okay lang sayo?." Hay naku Mars, kung alam mo lang kung gaano ka okay sakin yun. Ba't pa kasi si Kuya?

Pwede iba nalang ang mahalin mo mars? By iba, I mean me. Really Sela? Ano? Inaamin mo na na nagkakagusto ka na kay Abby? Ganun ba yun?.

Hindi ah. Joke lang kasi yun. At saka papatayin ako ni mommy pag nagkataon.

"S-syempre hindi. Tandaan mo Abby, pwede kang umupo at gumamit ng wheelchair pero hindi para sayo yun kung nakakalakad ka. Hindi mo yun gagamitin hanggang sa masira ito. Hahayaan mo tong mapunta sa mas nangangailangan sa kanya. Mahirap kung ito ang nagpapasaya sayo, pero dapat mo ring isipin yung taong naghihintay at nahihirapan habang naghihintay dun sa akala mo ay para sayo.."

Nakatitig parin siya sakin.

"Kaya nga ang pag-ibig ay hindi lang nakikita dun sa mga panahong masaya kayo. Ang love ay andun din sa time kung saan kaya mo nang magparaya."

Dun ako napaisip. Magparaya? Parang napaka hipokrita ko naman. Naiintindihan ko naman talaga kung bakit ako nagkakaganito, hindi ko lang talaga gustong tanggapin sa sarili ko yung totoo. Yung katotohanan na unti unti nakong nahuhulog sa babaeng to.

Ayokong mainlove kay Abby. Pero yun yung nangyari. Maraming dahilan kung bakit hindi dapat. Kaya kunwari hindi ko nalang alam na mahal ko siya.

Ang hirap din palang lokohin yung sarili mo.

Anyone could deceive the eyes and mind but not the heart.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon