Chapter 3

969 77 3
                                    

Sage's POV

Sobrang tagal ng klase namin, gustong gusto ko nang makita si Sela at isagawa ang sign.

Katabi ko ngayon si Miguel dito sa frontrow, inaantok na nga siya eh. Halatang di niya talaga trip ang mag-aral. Ibang iba sila ni Sela.

Sobrang dedicated ni Sela sa studies niya. Isa yun sa mga reasons kung bakit ko siya nagustuhan.

"Clearly defined, how carbon sinks remove carbon dioxide from the earth's atmosphere is called carbon sequestration.."

FLASHBACK

Sa hallway. Nabangga. Nahulog ang libro. Pinulot. Nahawakan ang kamay. Nagkatitigan. Nagkagustuhan. Yan ang nangyari kay Sela at sa una niyang naka-mu. Si Alex.

Andun ako sa parehong hallway. Kausap ko si Josh kasi kokopya daw siya ng assignment namin sa precal.

Sa classroom nila. Lagi siyang binubully. They hate each other. They like each other.  Her 2nd MU, si Bryce.
Andun ako nung mga panahong nililigawan siya ng lalaking yun.

Sa party. Play boy. May pinagseselos na ex. Naging totoo ang feelings sa isa't isa. Sela's 3rd MU si Bennett.

Andun ako sa party. Lalapitan ko na sana si Sela kaso naunahan ako ng lalaking yun.

Sa subdivision. First love. Kababata. Nagkahiwalay. Bumalik. Nagkagustuhan. Her 4th MU si Yoshiro.

Gwapo, matalino, mayaman, talented, mabait, basta lahat na magandang katangian na matatagpuan sa isang lalaki nasa kanya na. Kaya nga gustong gusto siya ni Sela.

Pakiramdam ko siya ang pinakamahirap kong kakumpetensya dahil first love yun ni Sela eh. Wala akong laban dun. Simula nung bastedin siya ni Sela hindi na namin siya nakita. I heard bumalik na siya sa states.

EOFB

"Mr. Guia. Mr. Guia!." gising ni Miss B. kay Miguel. Nakatulog na kasi siya ..Napabalikwas nalang ito sa gulat.

"M-maam."

"You know the drills." sabi ni Miss B.

Kaya ayun, lumabas na si Miguel sa classroom at tumayo sa hallway habang may dalang tig tatatlong modules sa kamay niya.

Pero parang gustong gusto niya naman kasi may nakikita siyang chix sa pwestong dun. Dun kasi madalas dumadaan ang cheering squad sa mga ganitong oras. Nagawa niya pa talagang magpacute.

Sela's POV

"Final round. 3rd question. DPT vaccine is given for ____, ____ and ____." sabi ng lalaking proctor.

Nagtinginan agad kami ni Abby, ako ang naunang nagsulat ng sagot sa quiz bee board namin, then siya, then ako ulit. Sabay taas na namin ng board. Kami ang unang nakasagot.

"Team 3. Correct. The answers are diptheria, whooping cough and tetanus." nag apir naman kami ni Abby. Kami na ang leading sa score board.

"Question number 4. Jaundice is a physiological liver disease caused by what?." napalingon ako sa mga kalaban, talagang mukhang hirap na hirap silang lahat sa pag-iisip ng tamang sagot.

Tapos nang isulat ni Abby ang sagot. Tinaas na nya ang board.

"Bacterium or Bacteria is correct. Another point for Team 3. Final question na, if you win this round you'll be the ultimate champion for this competition. And the final question is, AIDS day is ____. Again, AIDS day is ____."

I'm terrible at remembering dates. Si Abby yung magaling dun. Pero mukhang bothered siya ngayon. Nakatingin lang siya sakin.

"Oh bakit? Alam mo yung sagot diba?. Basta alam mong I'm bad at remembering dates--Abby--" sabi ko.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Where stories live. Discover now