Chapter 11

917 75 15
                                    

Sela's POV

Friday.

Bukas na ang ball. Nakahanda narin ang susuutin kong gown. My favorite color pastel pink. I wonder lang kung anong susuutin ni Abby. Nakakaexcite naman.

Final rehearsals namin ngayon. Counting parin, bukas nalang daw yung may music. Sumasayaw na kami ngayon ni Sage. Nakatitig lang ako sa kanya. Gwapo naman siya, mabait, matalino at higit sa lahat may respeto sa kapwa.

So there must be wrong with me, kasi bakit hanggang ngayon wala parin akong nararamdaman sa kanya? Hindi ko maintindihan eh.

"Okay ka lang ba?." He asked a bit worried sabay adjust ng eyeglass niya.
Tumango lang ako.

"Ang panghuli. Hahalikan mo siya."
Bigla kong naalala yung sinabi nung manghuhula.

Gusto kong si Sage nalang ang taong yun pero I don't even want to kiss him or something. Talagang completely platonic lang ang pagtingin ko for him.

Pero si Abby. Ba't ganun? Pakiramdam ko dinadaya ako ng universe. Alam kong hindi si Abby ang hinahanap ko, impossible. Mali to, maling mali.

Naguguluhan nako. Ba't ganun? Dati naman wala akong issue kay Abby. Dati naman hindi ko siya tinitingnan ng ganito, dati naman hindi ako naiinis sa tuwing may kasama siyang lalaki, dati naman hindi ako awkward around her, dati naman wala akong pakialam. Dati naman ayoko syang halikan pero ngayon--

O M G

This can't be happening. Hindi pwede. Mali. Erase erase. Ew. Ba't mo naman yun iisipin Sela? Nasisiraan na ata ako ng bait.

Ayan, ba't mo naman kasi palaging iniisip yang si Abby? Tsk. Pano ba naman, bigla bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko. And I can't help it. I just can't stop thinking about her.

Karma ko na ba to dahil napakapihikan ko sa lalaki?.

Sela, inhale exhale. Kaya mo yan. Isipin mo,

babae si Abby, babae ako,

babae si Abby, babae ako,

babae si Abby, babae ako,

babae si Abby, babae ako,

babae si Abby, babae ako,

Yan nga Sela, isaksak mo yan sa kokote mo. You're not falling for her. You're not obsessed. You're just thinking of her a lot.

Masyado ka lang nag-iisip kaya ayan.

Hindi ka pwedeng mahulog kay Abby, okay? Tandaan mo yan. Ang babae ay para sa lalaki lamang.

Half day lang ang rehearsals namin para daw makapagpahinga kami. Hinatid ni Kuya si Abby while nagpadrop naman ako sa Quiapo.

"Manang, sige na naman po oh. Sabihin nyo po sakin na nagkamali kayo sa hula nyo. Manang please--"

"Ba't nagrereklamo ka parin ngayong nakita mo na nga ang hinahanap mo?."

"Kasi nga po, hindi pwede. Ayokong mahulog sa taong yun. May iba pa po bang paraan--"

"Alam mo iha, pinapangunahan mo ang mga pangyayari eh. Kung patuloy kang ganyan, hindi mo matututunan ang mga mahahalagang leksyon na kailangan mo."

"Natatakot po kasi ako manang na baka--"

"Mahal ka niya kaya wala kang dapat ikatakot."

M-mahal ako ni Abby?

Ba't parang nabuhayan naman ata ako ng loob?.

KINABUKASAN

This is it pansit. Tonight's the night! Lahat kami winewelcome ng junior guys sa entrance pagkatapos naming mag sign in sa front desk.

Ang pogi ni Sage ngayon lalo na sa new haircut niya. Hindi rin siya nakasuot ng salamin ngayon kaya nakakapanibago.

Nakaupo na ngayon kami sa assigned saming table.

"Si Kuya mo ba wala parin?."

"Ayun, sinundo si Abby sa kanila. Alam mo naman yung babaeng yun sobrang tagal mag-ayos."

"Ay, may nakalimutan pala akong sabihin sayo."

"Ano yun?."

"Ang ganda mo tonight."

"Bolero." hampas ko sa kanya sabay tawa nang biglang,

"Let's all welcome Miguel Guia and his stunning Queen, Abelaine Trinidad." nagpalakpakan ang mga tao at napanganga kaya lumingon rin ako. At hindi ko inaasahan to,

Alam kong maganda si Abby pero ngayong gabi parang sumobra naman ata na halos hindi nako makahinga at makagalaw. Sobrang ganda niya.

So, this is what I'm missing pala sa mga panahong hindi ko siya nakikitang nakasuot ng pula. Bawing bawi yun lahat sa gabing to.

There's a calm surrender to the rush of day
When the heat of a rolling wind can be turned away
An enchanted moment, and it sees me through
It's enough for this restless warrior just to be with you

Slowmotion ba tong nakikita ko o sadyang mabagal lang talagang maglakad si Abby? Puso naman, kumalma ka.

Her smile and the way she walk, ano ka ngayon ha Sela? Talaga bang ayaw mo sa kanya?

And can you feel the love tonight?
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far

Lumapit na sila samin at nakipagbeso. Tumabi sakin si Abby. Nakatulala parin ako habang titig na titig sa kanya.

"Relax mars, ako lang to." She smiled as she gently held my hand.

"See? Sabi sayo eh. Ikaw lang walang tiwala. Tingnan mo tong si Sela, nakakita lang ng maganda nakalimutan nang magsalita haha wuy." Kuya snapped.

"H-hi. Kanina pa kayo dyan?." Sabi ko nalang. Ano ba tong nangyayari sakin?.

And can you feel the love tonight?
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best

There's a time for everyone if they only learn
That the twisting kaleidoscope moves us all in turn
There's a rhyme and reason to the wild outdoors
When the heart of this star-crossed voyager beats in time with yours

Sobrang daming announcements bago kami sumayaw. I didn't expect everything to be like this.

Sela, ano ka ba? Ang pogi pogi ng partner mo pero sa iba ka nakatingin. Focus okay? Focus.

Pero imbes na magfocus ako biglang nakikita ko nalang si Sage as Abby. Na si Abby ang kasayaw ko ngayon at masaya kami. Masayang masaya. Pero syempre, kailangan kong magising sa katotohanan na hinding hindi mangyayari yun. Kasi andun sya oh, kasayaw ng Kuya ko.

And can you feel the love tonight?
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far

And can you feel the love tonight?
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best

It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz