Chapter 14

872 80 13
                                    

Abby's POV

4pm.

Pauwi na sana ako nang dumating si Kuya Miguel na parang problemado.

"Oh Kuya? Anong nangyari?. San ka ba galing?." Nag-aalalang tanong ni Sela.

"Wala na si Sage." Malungkot niyang sabi tila di parin makapaniwala.

"Ano?!."

"Pwede ba pumasok muna tayo? Kuya--I mean Miguel, tubig--namumutla ka." Pasok namin. Binigyan ko siya agad ng tubig. Umupo kami sa dining area.

"A-ano ba talagang ng nangyari?."

"Car accident. Sabi nung doctor macocomatose lang siya pero kaninang tanghali bigla nalang siyang nag seizure. Hindi ko maintindihan eh--sobrang bilis ng mga pangyayari." I just rubbed his back. Si Sela rin tila di makapaniwala. Bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot. I knew they had something special between them.

"CR lang ako." Sabi lang ni Sela. Pero alam ko na iiyak lang siya dun. Hinayaan ko nalang.

"I know na hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya pero wag naman yung ganito--"

"What do you mean?."

"Inaamin ko na ginamit ko siya. Na pumayag lang ako at tumulong na ligawan niya ang kapatid ko dahil gusto kong tulungan niya akong makapasa. Ngayon parang nawala narin lahat ng pinaghirapan namin. Pati ikaw dinamay ko pa. Sorry talaga Abby--" he sincerely said as he held my hand.

"Naiintindihan ko naman. Pero kung gusto mo talagang pumasa, sana nagpatulong ka nalang sakin--dating gawi."
I smiled.

"Nahihiya na kasi ako sayo eh."

"Kuya, hindi ka na iba sakin. Hayaan mo, bukas na bukas tutulungan kitang mag-aral. Wednesday to Friday pa naman finals natin. Let's use all our vacant times together to study."

Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit na parang maiiyak na siya.

"Thank you."

At yun nga ang ginawa namin. Tinulungan ko siyang mag-aral. Kitang kita naman na desidido siya dun. Natutuwa kami ni Sela dahil sa improvement ni Kuya Miguel sa ilang araw lang na yun. At sa mga araw na yun unti unti nang nagbabago ang tingin ko sa kanya.

Sa ilang araw lang na yun, nakita ko yung Miguel na nakilala ko nung bata pa kami. Yung Miguel na responsible, thoughtful at higit sa lahat mapagmahal na anak at kapatid. Dahil dun, I started to admire him. And I don't think this thing I have for him has to do with pretending anymore.

Friday.

Ngayon ipapakita ang results ng exams. Nakaperfect ulit kami ni Sela sa klase namin.

Recess.

Magkasama kami ngayong tatlo.

"Congrats. Sabi ko naman kasi sayo eh, kaya mo."

"I'm so proud of you Kuya. Lalo na si mommy, I'm sure iiyak yung ng gold haha."

"Pero seryoso, Sela--Abby, salamat sa inyo. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko pag wala kayo. Sya nga pala, mamaya after class punta tayo sa last night ng funeral ni Sage. At saka bukas sa libing niya." Sabi ni Kuya Miguel. Nakita ko namang biglang nalungkot si Sela.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon