Chapter 22 Hurting Inside

Start from the beginning
                                    

May naisip na conclusion si Jai sa narinig batid niyang masakit ito para sa kanya.

“Pakiramdam ko nasa gitna ako ng lawa yong naiipit sa isang sitwasyon at may mga tanong sa isip ko. Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nasangkot dito? May karapatan ba ako? Lahat naman to ay kasalanan ko pumasok ako sa isang sitwasyon ng hindi iniisip ang kahihinatnan sa huli para akong tanga!”lumingiw si Jai.

Nakaramdam ng awa si Yves batid niya kung anong ibig sabihin nito.

“lahat naman may dahilan kung bakit tayo napasok sa isang sitwasyon ,kahit sabihin nating nagsisisi tayo sa mga decision  natin.Nasa tao lang naman yon kung paano niya dalhin.Huwag ka sanang maguluhan ipanatag mo ang loob mo para di ka kainin ng pangamba.Hindi lang naman ikaw ang nakaranas ng ganyan may iba nga na mas piniling tumahimik para hindi makapanakit ng tao kahit ang totoo sasabog na.Sa sitwasyon mo napasubo ka.!”mahabang tugon  ni Yves.

Kasabay ng buntong hininga ni Jai.

“siguro mahal mo na si boss kaya ka naguguluhan ng ganyan masakit man pero yon ang totoo mukhang mailibing ko nalang salimot ang nararamdaman ko sayo Jai, hiling ko lang sana maging masaya ka”bulong ng puso ni Yves.

“tama ka! Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat pero bahala na…ipipikit ko muna ang mata ko gisingin mo nalang ako kapag nakarating na tayo.”sumandal siya sa upuan at pumikit.

Tumitig naman ng palihim si Yves kay Jai.Hinayaan lang niya ito na makapag pahinga siguro napagod siya kanina.A few min.Nakarating na sila sa isang food chain kung saan naghihintay si Alec para sa kanilang date ng gigisingin na niya si Jai.Parang may kuryenteng naramdaman si Yves at nais niyang hawakan ang mukha nito napalunok siya.Pero nanaig parin sa kanya ang respeto sa boss niya at sa babaeng lihim niyang minamahal.

Muli siyang sumandal ng upuan at huminga ng malalim.

“nandito na tayo Jai gumising kana”tinapik niya ng dahan-dahan ang balikat ni Jai.

Unti unti namang nagdilat ang mga mata nito.

“ugh ugh nandito naba tayo?”pa linga linga si Jai.

“oo nandoon siya sa loob sa 2nd floor hindi na kita maihatid pa….”naputol.

“huwag kang mag alala ok lang magtatanong nalang ako ok”sabi ni Jai akma niya sanang bubuksan ang pinto.

“ako na ang magbubukas pakiusap”sabi ni yves at dali dali siyang bumaba ng sasakyan at binuksan ang pintuan.

Dahan-dahang bumaba ng sasakyan si Jai.

“thanks,napakagentleman mo para maging gangster nag iba yong pagtingin ko sayo nung unang pagkikita natin”ngumiti si Jai.

“ah naalala mo pala yon,ang sama ko sayo nun diba”sabi nito.

“medyo! Hahahah”tawa ni jai.

Napangiti nalang si Yves.

“sige bye!Una na ako sayo.”paalam ni Jai kay Yves.

Ngumiti naman at kumaway si Yves sa kanya.

Habang papalayo si Jai di niya inaalis ang tingin dito.

“maybe ito na ang huling pagkakataon na matitigan kita ng matagalan Jai sana maging masaya ka sa piling ni boss at maging maayos na ang lahat…. Paalam sayo!”pabulong ni Yves at pilit na ngumiti.

Umakyat na ng hagdanan si Jai papuntang second floor at bumungad sa kanya ang isang waiter.

“good evening maam welcome to Chow Fan Restaurant ”bati ng waiter sa kanya.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now