Chapter 25 Bagong Pagsubok

138 5 0
                                    

Biglang dumating si Mervin at nakipagsanib sa hit gang para pahirapan si alec.

"hayop ka mervin,alam mo ba kung saang kalye papunta itong kinatatayuan natin ,papunta sa tambayan mo " pilit na kumawala si yves sa pagkakahawak sa kanya ng HG member.

"tama na yves baka mapahamak ka " sabi naman ni alec.

"hindi !Mapapahamak man ako pero sasabihin ko parin ang gusto ko at para malaman rin niya.Pupuntahan ka sana namin para makipag ayos  si boss alec sayo.Pagkatapos niyang buwagin ang blue dragon gusto niyang ayusin ang sa inyo.Pero ito pala ang kahihinatnan,wala kang puso ,kung gustong lumaban ni boss alec kanina pa pero hindi!Pinandidigan niya ang sinabi niya gusto niya ng magbagong buhay at isasama ka sana niya,pero isa palang pagkakamali ang gagawin namin  " napaluha si yves.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Mervin ng marinig ang sinabi ni yves pero mas nanaig sa kanya ang galit.

"katangahan!Nagpapatawa kaba, ako magbabago at makikipag ayos sa kanya ,hindi mangyayari yon.Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito ang makita kung lumuluhod at magmamakaawa sa akin ang alec nayan "pumunta siya sa harapan ni alec.

"gawin muna ang gusto mo tatayo lang ako dito hanggang sa magsawa ka " sabi ni alec ng mata sa mata kay mervin.

"huwag mervin! "sigaw ni yves.

"ok lang yves " sabi ni alec.

"magaling ikaw ang may sabi " kumuyom ng palad si mervin.

"gawin muna at ng makaganti ka sa kanya pagkatapos mo ako naman!" singit ng Leader ng HG habang nagbigay ng nakakalokong ngiti.

Matapang na hinarap ni alec ang mga kamao nito habang papalapit sa kanya hindi siya pumikit bagkos nakatitig lang ito at wala sa mukha ang takot.

*blaaag*

Biglang lumihis ang kamao ni mervin at tumama sa mukha ng Leader ng HG kasabay na lumapit ang mga kasahan ng black tiger at binanatan ang grupong hitgang .

Panay suntukan na ang dalawang grupo habang si alec napaluhod na nakatitig sa kanila at doon na niya naramdaman ang pamamanhid sa buong katawan niya.

"traydor ka " HG.Natumba ito sa mga suntok ni mervin.

"putcha! Totoong hindi nga kami magkasundo ang ikinagagalit ko bakit inunahan mo ako sa kanya ..."hinawakan nito ang swelyo at pinagsusuntok.

Ilang minuto rin ang nakalipas hanggang sa nagsitakbuhan ang hitgang .

"pagbabayaran niyo ito ,babawian ko kayo" pahabol ng HG leader bago tumakbo.

"sige lang hindi kami natatakot.." pahabol naman ni mervin.

Lumapit naman si Yves kay alec at pilit na pinatayo .

"boss" yves.

"wala ka ng boss yves, napag usapan na natin ito na alec na ang itawag mo sa akin masanay kana,kaibigan " sabay tapik sa balikat.

"Naiintindihan ko pero malaki ang utang na loob ko sayo " sabi naman ni yves.

"matagal na yon nakabawi kana ,malamang higit pa doon ang naitulong mo sa akin " ngumiti si alec.

Tumango naman si Yves.

"taika hindi ba kayo magpapasalamat sa akin " singit ni mervin.

"ano!Pagkatapos mo kaming takutin kanina buti nakunsensya kapa o baka ikaw naman ang may plano sa amin " pigil na inis ni yves.

"abah!Kayo pang tinulungan nagdududa ka pa " napalakas ang boses ni mervin.

"kasi naman...." naputol ang iba pang sasabihin ni yves.

"yves tama na ,plano namin yon ?" pagpigil ni alec.

"Huwag mo siyang ipagtanggol ,paano magiging plano yon eh ni hindi pa nga kayo nagkakausap ?" na curios na rin si yves.

Tumawa si alec at mervin sabay sabing "body language "

...

"Nakalimutan mo ba na matagal rin kaming naging magkaibigan noon " sabay tapik ni alec sa balikat nito.

"Ganun!" sabay kamot sa batok.

"So ano ok na tayo?" Paniniguro ni alec at lumingon kay mervin.

"hindi!" matigas nitong sabi.

"sabi ko na nga ba! " umangal si yves.

"ano ka ba di ka naman mabiro, alam mo natauhan ako dahil sa mga sinabi mo ..mabuti ka talagang kaibigan.." umakbay siya kay yves habang naglalakad.

Napangiti na rin si alec.

Sa wakas nagkaayos narin ang dalawa.

SA KABILANG BANDA:

Habang naglalakad sina Jai at Kim papuntang jetrox.May mga kalalakihang nagtatakbuhan papunta sa kanila.

"mukhang may nag rambulan ,tumabi muna tayo" sabi ni jai.

"mabuti pa nga baka madamay pa tayo" pagsang ayon ni kim.

Hanggang sa lumampas ang mga ito sa kanila.Saka ulit sila muling naglakad.Kaya lang.

"hoy kayong dalawa" may nagsalitang lalaki mula sa likuran nila.

"jai mukhang tayo ang tinutukoy niya" napahawak si kim sa braso ni jai.

"ano ka ba akala ko ba matapang ka, nasan na yong katarayan mo" sabi naman ni jai kahit ang totoo natatakot rin siya.

"sira ka ba! Magkaibang sitwasyon yon ,mga lalaki yan mga halang ang bituka,bakit hindi ka ba natatakot?" sabi naman ni kim.

"oo na natatakot na rin ako,bibilang ako 1......2....3.... takbo" nagmadaling nagtakbuhan sila jai.

"habulin niyo" pahabol ng lalaki.

Hanggang sa naabutan sila at pinalibutan.

"anong kailangan niyo! " sabi ni jai.

"wala naman kaming kasalanan sa inyo " nagsimula ng manginig si kim.

"wala nga ,ang totoo lalampasan sana namin kayo kaya lang nakilala kayo ng  isa kong kasamahan kayo ang magiging kabayaran dahil sa ginawa ng mga kasintahan niyo,dakpin sila " utos ng lalaki.

Nagpupumiglas sila Jai kaya lang mas nanaig ang lakas nila at tinakpan ang bibig pagkatapos nawalan ng malay.

Note:

Secret Identity (julquen and julco) , Sassy Girl (mario maurer and baifern )my next story sana maibigan niyo rin.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now