Chapter 21 For the win !

202 9 0
                                    


Patuloy parin ang programa hanggang sa question and answer portion.

Kabado ang lahat lalo na ng mga candidates.

Sumalang na ang panimula upang sagutin ang mga katanungan at ganun rin sina Jai at Kim.

May iba na maayos ang pagsagot  may iba naman na mas nanaig ang kaba.

At ngayon malalaman  na kung sino ang mananalo.

“at ngayon, sino kaya sa mga kandidata natin ang magsusuot ng corona sino bet niyo...!!!”sigaw ng MC.

Naghiyawan naman ang mga tao at sumisigaw sa kanilang bet na manalo.

Lalo na ang mga kaibigan ni Jai.Habang si Alec tahimik lang na nakamasid at titig na titig kay Jai.

“so this is it ,hawak ko na ang result ….for the 2nd runner up goes to…candidate # 5 Ms. Naome Marasigan”nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagbigay ng bulaklak ng isang judges sabay picture.

Muli na namang naghiyawan ang mga tao.

“and next for the 1st runner up goes to candidate # 9 Ms. Kimberly Briones” nagulat si kim sa narinig tama ba ang narinig niya 1st ulit siya.

Parang nanghihina ang tuhod niya habang naglalakad.Ngingiti ba siya o hindi.

“congratulation Ms. Briones …and now excited naba kayo ,sino kaya ang magsusuot ng  crown,hawak ko na ang result ….huh” sabi ng MC at lahat ay excited at kabado.

“jai manalo man o matalo masaya ako para sayo”bulong ni Alec.

“for the win …..candidate number 11 Ms.Jyra Mae Agpangan” pagkatapos sabihin yon ng MC hindi na magkamayaw ang mga tao sa kasisigaw lalo na ang mga kaibigan nito.

Napaluha naman si Jai ng marinig ang pangalan niya parang hindi pa nag sisink in sa utak niya na siya ang panalo habang sina Mervin at Kim naman ay dismayado at puno ng panghihinayang.

Kasalukuyan ng sinusuot ni Jai ang crown pagkatapos matanggap lahat ng price at bulaklak .

Bababa na sana si Kim ng tinawag ni Jai.

“Kim …”lumingon naman si Kim.

Tahimik naman ang lahat habang nakatingin.

Dahil hinubad ni jai ang corona at inilagay sa ulo ni kim.

“mas deserving mo itong suotin  kaysa sa akin, alam kong marami tayong hindi napagkasunduan pero gusto kung ibahagi sayo ang tagumpay na ito dahil alam ko deserve mo rin ito” napaluha naman si kim sa narinig at sabay silang nagyakap.

Nagpalakpakan ang mga tao at naiyak.Pagkatapos magpapicture sinalubong agad sila ng kanilang mahal sa buhay.   

" Jai i'm proud of you.."sabay yakap ni joj sa kapatid.

"Bakit mo ginawa yon ikaw dapat ..."sabat naman ni Vanjie.

"Pagod na ako ayaw ko na ng gulo mahaba na rin yong panahon ng iringan naming dalawa isa pa ayaw ko ng masaktan kaya itatama ko lahat ng mga kasinungalingang ito" batid sa mukha nito ang lungkot habang sinasabi ang mga ito.

"jai.." sabay group hug.

"jai congrats hindi ko alam kung bakit mo yon ginawa pero kagustuhan  mo yan wala rin naman akong karapatan na makialam"sabat ni alec mula sa likuran.

Ngumiti naman ng matipid si Jai sa kanya.

"don't be late sa date natin ok sige una na ako "  bago tumalikod

"siyanga pala ang ganda mo"saka tuloy tuloy na naglakad. 

Parang may kumurot sa puso ni jai ng marinig ang huling sinabi ni alec batid nilang pareho na magwawakas na lahat ng pagpapanggap na ito sa pamamagitan ng pagkikita nila mamaya gabi.

Nakaramdam  ng takot si jai at lalo na sa puso niyang sa pagkakaalam niya nabigo siya sa pag ibig.

Samantalang si alec naman di na mapakali alam niya na kung saan patutungo ang pag uusapan nila pero umaasa siya na sana mali siya na sana mahal rin siya ng babaeng iniibig niya at hindi totoo na pagpapanggap lang lahat dahil kahit bato ang puso niya sa paningin ng lahat tao lang rin siya nagmamahal at nasasaktan anong gagawin niya papairalin kaya niya ang takot o ipaglalaban niya ang pagmamahal kay jai.



"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora