Chapter 22 Hurting Inside

172 5 0
                                    

Sa bahay Agpangan:

Kalalabas lang ni Jai ng gate.Si Yves kasi ang inutusan ni Alec na maghatid sa gaganaping dinner nila ni Alec.

Manghang mangha si Yves sa nakita, biglang bumilis ang pintig ng puso niya ng makita ito sa suot nitong damit.Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya si Jai.

“Yves are you ok…”tanong ni Jai sa kanya.

“ah! O-----o naman ok lang…. your so pretty Ms.Jai…”bigla siyang natauhan.

“ah thank you.... lets go”sabi ni Jai.

“ah sure”dali dali niyang pinagbuksan ng pintuan ng kotse si Jai.

Habang nagmamaneho si Yves di parin huminto ang pagbilis ng pintig ng puso niya at di niya maiwasan ang magnakaw ng tingin sa babaeng lihim na minamahal.

“relax lang yves pag aari na siya ng iba tumigil kana”pagpipigil niya sa sarili kasabay ng buntong hininga.

“bakit parang ang lalim ng buntong hininga mo may problema kaba Yves?”pansin ni Jai.

“Ah! Wala naman Ms.Jai”sabi nito.

“masyadong formal yong Ms.Jai tawagin mo nalang akong Jai diba friends na tayo”ngumiti si Jai kay Yves.

“ha! ok lang sa inyo yon paggalang kasi namin yon kasi gf kayo ng boss namin”paliwanag ni Yves.

“same age lang tayo pero sa tuwing tatawagin mo akong  Ms.Jai pakiramdam ko ang tanda2x ko na kaya Jai nalang pwede ba iyon sige ka magagalit ako sayo pagtinawag mo ulit akong ganun…” pabiro na sabi ni Jai sa kanya.

“sige kaw ang bahala…….Jai yon!”medyo naasiwa siya sabay ngiti kay Jai.

“ang cute mo pala kapag ngumiti eh ngayon ko lang napan………”naputol ang iba pa niyang sasabihin dahil biglang nagbreak si Yves.

Sabay tingin sa mukha ni Jai bigla namang kumabog ang puso ni Yves sa narinig ,hindi niya alam kong seryoso si Jai sa sinabi basta ang alam niya nagulat talaga siya.Namutla ang mukha ni Yves.

“nakakagulat ba yong sinabi ko!”biglang tanong niya kay Yves.

“ha! Eh hi-ndi naman may………dumaang pusa kaya nagbreak ako yon….!”naghanap ng ibang dahilan si Yves.

“ah ok!Akala ko nagulat ka sa sinabi ko!” umayos ng upo si Jai.

Muling binuhay ni Yves ang makina ng sasakyan.

“sorry nga pala nagulat ba kita nung pagbreak ko ng sasakyan pasensya kana talaga ..Jai”paumanhin ni Yves.

“naku hindi ok lang huwag mo ng isipin yon”sabi naman ni Jai.

 
 “thanks! Congrats nga pala, you deserve to win pero nagulat talaga kami nung ibinigay mokay kim yong crown ang alam kasi ng lahat hindi kayo magkasundo.”sabi ni Yves.

“alam ko kasi kung gaano kagustong makuha ni kim yong crown noon pa man at saka deserving naman niyang suotin yon. Isa pa ayaw ko na ng gulo, aaminin ko.Hindi na natahimik ang buhay ko simula ng makilala ko si Alec hanggang sa pasaringan namin ni kim alam naman natin kong ano talaga kami ni Alec kaya bago pa lumala puputulin ko na para magkaroon ng peace of mind ang lahat.Habang pinapatulan ko si kim lalo lang lumalala ang sitwasyon.”mahabang sabi ni Jai.

Muli na namang napahanga si Yves sa sinabi ni Jai.

“tama ka naman sa sinabi mo pero alam mo hindi naman ganyan dati si kim mabait siya sa lahat pero nagbago siya nung wala na sila ni boss”pagkukwento nito.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now