Chapter 9 : Unexpected Scene

592 11 0
  • Dedicated to Sherlyn Pardilla
                                    


Alec POV:

Kasalukuyan akong nasa jetrox kasama ng mga kasamahan ko.

Pinag uusapan namin ang nangyari kahapon.

“boss,anong gusto niyong gawin para makaganti sa kabilang grupo”biglang sabi ni Yves.

“sa ngayon wala tayong ibang dapat gawin kundi ay ang proteksyonan si Jai”sabi ko naman sa kanila.

Alam kong hindi palalampasin ni Mervin ang nangyari kahapon.

Hindi ko lang maintindihan kong bakit ginawa yon ni Jai hindi ba siya marunong matakot.

Pa dalos-dalos siya sa mga kilos, pati  bibig niya walang preno kaya siya napapahamak.

Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya pinatulan si kim.

Hay kim anong nangyari sayo bakit nagkaganyan ka ngayon hindi na kita kilala.

“boss ok lang po ba kayo” pagpukaw sa akin ni kit.

“ok lang,halina kayo kailangan na nating pumasok sa school”nagpatiuna na ako sa paglalakad.

Papasok na kami ng gate ng magkasalubong namin ang grupo ng Black Tiger.

Matatalim na tingin ang pinaglabanan namin ni Mervin.

“oh! What a coincidence Alec”sabi niya.

“coincidence! Iisa lang ang school natin kaya paano nangyaring coincidence lang ,maaari nga na magtatabi tayo ng upuan o di kaya magkakasama sa comfort room” sarcastic kong pananalita sa kanya.

“huh,tama ka dun hahahahaha nakakatawa,siya nga pala jai pala yong name ng bago mong gf mukhang interesante siya matapang at walang kinakatakutan”napangiti siya,sa tingin ko sinusubukan niya pasensya ko.

Kaya lang di ko mapigilang mainis.

“huwag kang magkakamaling galawin siya kung hindi makikita mo ang hinahanap mo” naiinis na ako kaya lang kailangan kong magtimpi.

“oh what that angry face ,siya naba ang pinalit mo kay kim ,inlove ka naba sa kanya” sinusubukan niya talaga pasensya ko.

Huminahon ka Alec ginagalit kalang niya.

Umakto pa ang mga kasamahan ko na parang reresbak.

Pero sumenyas ako sa kanila na huminahon.

“bakit, nacucurios ka, sinisiguro mo ba na wala na akong pagtingin kay kim dahil sa natatakot ka na baka hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ako!”nakita ko sa mukha niya ang pagbago ng reaction.

“mali ka  dahil mahal niya ako,sa tingin mo iiwanan ka niya kung mahal ka parin niya huwag kang tanga”nasa mukha niya ang pagkapikon.

“oh huwag kang magalit, kung totoo yon huwag kang mapikon.Matagal ng panahon ang lumipas sa amin ni kim kaya huwag  kang mag alala hindi ko siya aagawin sayo unless kung siya mismo ang lalapit sa akin para bumalik ako sa kanya,oh paano maiwan na kita may pasok pa ako hahhahahahah”saka ko siya iniwanan na patawa tawa.

“bumalik ka dito duwag”pasigaw niya.

Kaya lumingon ako.

“huh sinong duwag ang totoong gangster marunong magtimpi ng emotion at higit sa lahat may tamang lugar para sa bagay na gusto mong gawin.Huwag mong sabihin hindi mo alam ang rules na yon nakakaawa ka pinuno na walang alam.Kung pinatulan kita sa lugar na ito buti tayo lang dalawa ang parurusahan   at hindi madadamay ang tauhan natin. Pero higit pa sa ka grupo ang turing ko sa mga kasamahan ko, tandaan mo kung wala sila,wala rin tayo .Kaya sana pa minsan-minsan pangalagaan mo rin ang mga tao mo baka isang araw dahil sa pa dalos-dalos ang galaw mo magising ka nalang  na nag iisa ka na,kung gusto mo ng laban maghintay ka mamayang uwian.”kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad kasama ng mga kasamahan ko at iniwanan sila.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now