Chapter 10 : The War

581 14 9
  • Dedicated kay Glemarie Grace Gambe
                                    

Alec POV:

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nangyari kani-kanilang napakabilis ng mga pangyayari.

Akala ko aawayin niya ako, kaya niya ako dinala sa sa backschool.

For the first may nagsabi sa akin ng ganun as in direct to the point talaga.

Napapangiti nalang ako habang naalala ko ang mukha niya habang sinasabi niya ang mga yon sa harap ko.

“boss bakit napapangiti kayo diyan”pansin ni yves.

Kasalukuyan kaming nasa classroom.

“ah ito ba may  something weird na nangyari kanina kaya napapangiti ako”sabi ko ng hindi nawawala ang ngiti.

“ah ok”sagot niya.

“siya nga pala,maalala ko alam kong tutuhanin ni Mervin ang sinabi ko kaninang umaga kaya maghanda ka ipunin mo ang mga miyembro natin alam mo na ang gagawin mo” paalala ko sa kanya.

“yes boss ,malapit na rin ang uwian natin malamang nag aabang na sa atin ang grupo nila”sabay tayo niya at umalis.

Uwian time:

Jai POV:

Habang naglalakad ako may narinig akong bulung bulungan ng mga ka schoolmate ko.

Sa curiosity ko lumapit ako sa kanila at nagtanong.

“anong pinag uusapan niyo”

Napalingon sila sa akin at ngunot noo.

“di mo ba alam ,yong bf mo at yong kabilang grupo may girian at ang usapan ngayong uwian sila mag tutuos”sabi niya sa akin.

“ano!” nagulat talaga ako.

“kawawa ka naman siguro hindi sinabi ng bf mo para di ka na mag alala,naku naman sana di matamaan ang gwapong mukha ni Alec(kinikilig kaya lang napatingin siya sa mukha ko with taas baba kilay) ,ay sorry”pabawi niya.

“alam niyo ba kung saan sila ngayon”tanong ko uli.

“hindi namin alam”sagot nila.

Batid kong alam ko na ang mga bagay nayan na kapag gangster hindi maiiwasan na makakita ng gulo at  magpapalakasan kung sino ang mas malakas sa bawat grupo.

Wala naman akong pakialam noon buhay  nila yon.

Pero iba ngayon kilala ko yong sangkot at kahit na hindi kami magkasundo ayaw ko ring mapahamak siya.

Kaya dali-dali na akong tumakbo at pa linga-linga sa mga estudyanteng nakakasalubong ko.

Hanggang sa may humawak sa braso ko.

Sa gulat ko kamuntik ko na siyang mapasampalo.

“jai,si vanjie to….”sabay taas niya ng kamay.

“sorry nagulat lang ako”patuloy pa rin ako sa pa linga-linga.

“may hinahanap ka ba!”pansin niya.

“oo meron,saan naba ang lalaking yon tsk”di parin ako mapakali.

“ si Alec ba nakita ko sila papalabas ng gate ngayon2x lang,kasama ng mga kasamahan niya mukhang amoy gulo”nagulat ako sa sinabi niya kaya dina ako nag alangan tumakbo agad ako papalabas ng gate.

Narinig ko pang tinatawag ako ni vanjie kaya lang dina ako lumingon.

Bigla naman akong kinabahan kanina ko lang siya naging bf tapos mababalo pa yata ako.

Hay ano ba itong iniisip ko.

Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad at patingin tingin sa paligid.

Hanggang sa may mga grupong kalalakihan akong natanaw sa di kalayuan na naglalakad.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon