Chapter 23 The Truth

136 5 0
                                    

Hindi malaman ni Jai kung bakit pumunta parin siya sa nasabing lugar ng pagkikita nila ni kim ayaw niya sana pero hinihila siya ng kanyang mga paa.

Natanaw niya si Kim na nakaupo at ng makalapit na siya.

"bakit ang tagal mong dumating nilalamok na kaya ako dito" mataray na sabi nito.

"ano bang dahilan at nakipagkita ka sa akin sabihin muna nagmamadali ako" agad na salubong ni Jai.

"thank you dahil binigay mo yong crown sa akin"mahinahon nitong sabi.

"ah yon lang ba sana tinext mo nalang ako"sabi ko sabay upo.

"hindi lang dahil din........ kay alec.." napatingin si jai.

"kung gusto mong makipagbalikan sa kanya malaya kang gawin yon break na kami"sabay tayo ni Jai.

"huwag mo siyang ewan inaamin ko mahal ko pa siya pero hindi na ako ang kailangan niya ngayon,alam ko ikaw ang magpapahilom sa sugat sa puso niya.."tumingin si Jai sa kanya.

"anong ibig mong sabihin?"tanong naman ni jai.

"Nagkaganyan si alec dahil iniwan ko siya noon para sa ibang lalaki at ganun rin ang ginawa sa mama niya nung bata pa siya kaya hindi mo siya masisisi kung bakit siya ganyan ngayon isang gangster na walang pinagkakatiwalaan lalo na sa isang babae" mahabang kwento ni kim.

Nakaramdam ng pagkalungkot si Jai sa narinig at naiintindihan na niya kung bakit di maiwan ni alec ang ganung buhay siguro dahil wala na siyang ibang matakbuhan kundi ang pagiging gangster.

"huwag mo siyang ewan oo gusto ko na magkabalikan kami pero di na pwede dahil alam ko mahal ka niya ayaw lang niyang sabihin sayo.Masama ako ,dahil iniwan ko siya huwag kang gumaya sa akin huwag mong hahayaan na tuluyang masira ang buhay niya"hinawakan niya ang kamay ni Jai.

"hindi ko alam kung maaayos pa lahat pero susubukan ko" ngumiti si Jai tumango naman si kim.

Biglang tumunog ang cp ni Jai.

Ring *

"hello, Yves bakit" pinindot ang botton.

"Jai si Alec....."biglang naputol ang linya.

"hello,hello hello sumagot ka anong si alec" natatarantang sabi ni jai.

"anong nangyari"tanong naman ni kim.

"hindi ko alam bigla nalang namatay ang linya" dali daling umalis si jai at di na nagdalawang isip pa.

"si Mervin baka may ginawa sila kay alec hindi!" sumunod narin si kim kay jai.

Sa kabilang banda:

Uuwi na sana sina alec at Yves pagkatapos magpulong kinausap niya ang mga kasama niya para buwagin ang blue dragon gusto niya na kasing magtino akala niya hindi niya magagawa pero bigla nalang nagbago ang isip niya at dahil iyon kay jai at nangakong di na makikipag away pa sa kasamaang palad minalas sila dahil nakasalubong nila ang Hit Gang nakaaway na minsan ni alec ang grupo nila at ngayon gustong bumawi at makaganti sa blue dragon.

"Alec paano na tayo, kailangan natin silang labanan kahit dalawa lang tayo" sabi ni Yves.

"umalis kana Yves"sabi ni alec.

"ano hindi pwede yon" sagot naman nito.

Papalapit sa kanila ang leader ng Hit Gang .

"Kumusta nagkita ulit tayo"tinapik nito ang balikat ni alec hindi naman siya gumalaw.

"paalisin mo ang kasama ko at Malaya kang gawin ang gusto mo"matapang na sabi ni alec.

"eh paano kung gawin ko ito" sinuntok niya si alec sa mukha ngunit di siya gumanti.

"boss.." sigaw ni yves .

Nakita naman ng isang kasamahan ng hit gang na may hawak na cellphone si Yves.

"hoy ano yan akin na yang cellphone mo"at inagaw niya ito kay yves sabay suntok sa tagiliran.

"tama na huwag niyo siyang idamay"tumakbo naman si alec papunta kay yves.

"ano ba lumaban naman kayo nakakaantok naman !" sabay hawak ng baseball bat.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now