Ika-dalawampu't limang kabanata

Începe de la început
                                    

"Sure. You will." sabi ni Night. Dahil sa sinabi niya ay inis ko siyang sinapak na agad niyang nailagan kahit pa wala sa akin ang tingin niya na ikinagulat ko pero ikinaikot din ng mata ko.

'He sure knows how to fight. ' I thought and sigh.

Lumayo ako sa kanila at kinuha ang towel na nakasabit sa sandalan ng upuan na nasa gilid at pinunasan ang pawis ko. Pagkatapos ay uminom muna ng tubig at nagpahinga saglit bago pumasok sa bahay para maghanda na ng almusal. 

Maya-maya lang ay nagsibaba na rin ang mga kasama namin sa bahay pati na sina Grey habang ang mag-aama naman ay nagsipasok narin sa loob habang naghahanda na ako ng mga plato at pagkain sa lamesa.

Nagdasal kami bago kumain at pagkatapos ay nagprisinta si Samantha ang nanay ni Grey na siya na ang maghugas kaya naman hinayaan na namin siya at tinulungan na lamang siya ng isa sa mga kasambahay ni Night.

Habang nagpapahinga ay nanood muna kami ng movie sa kwarto sa loob ng entertainment room kung saan may malaking TV at mga sofa sa paligid.

Nagkaniya-kaniya ang mga kaibigan ni Night sa pagkuha ng makakain habang ang mga bata naman ay nanghingi na lamang ng pagkain sa mga tito nila ganun din si Grey na sumusubok na subuan si Zel ngunit inaagaw agad ng mga tito o ni Sky at si Al naman na tahimik lang na nanonood at paminsan-minsan ay nakikita kong nakikipag-usap siya kay Grey na ipinagtatakha ko pero hinayaan ko na lamang silang mag-usap.

Pagkatapos naming magpahinga ay pinaalam na namin na kami'y nag-eensayo kasama na ang mga kaibigan ni Night kaya naman halos magkandamayaw si Zel nang pagbawalan kong sumali sa pag-eensayo.

Hindi kalaunan ay pinayagan ko na rin sila tutal mukhang ayaw din magpatalo ng mga kuya ni Zel ng makita nilang nakikipaglaban si Grey sa tatay nito at mukhang marunong talaga ito. Habang ang nanay naman ni Grey na si Sam ay muling pumasok sa loob ng mansion upang tumulong sa gawaing pambahay.

Sa mga nagdaang araw ay nag-aaral si Sam sa paggawa ng mga gawaing bahay at nagkaroon naman ito ng magandang resulta dahil kahit papaano ay natuto na itong maglinis.

"Focus on the fight, Rose." may diing sabi ni Night sa akin na nakapagpabalik sa akin sa aking ginagawa.

Binigyan ko ng buong lakas ko ang aking kanang braso at sinuntok ang kamay ni Night na may gloves at sinalo naman niya ito pero umiling siya sa akin.

"Give your power every punch you make, Rose." sabi niya.

Napabuntong hininga ako at sumuntok muli gamit naman ang kabilang braso. Napakastrikto ni Night pagdating sa pagtuturo sa akin ng ganito.

Madalas pa ay kapag nasa kwarto kami o sa lugar na hindi mapapansin ng mga bata ay bigla bigla niya akong binabato ng kung anong mahawakan niya.

Gaya nung isang araw...

Flashback...

Naglalakad ako para hanapin ang mga bata upang makipaglaro sa mga ito. Nagbigay kasi ng oras si Night para makatignan ko muna ang mga bata at mabantaya.

Nakita ko ang mga bata na nakikipaghabulan sa mga tito nila at napansin kong pawisan na ang mga ito kaya naman pinagpasyahan kong kumuha muna ng towel pamunas sa mga bata bago naglakad palapit sa mga ito.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum