Paper 12

117 11 1
                                                  

March 24


CORONAVIRUS UPDATE

Fifty-one additional new cases were later confirmed on March 24, totaling 552 cases.




8:05 pm



'I'm here na. Guitar class na tayo! :)'



sulat ko at excited na binato iyon sa bintana. Nag-antay ulit ako ng halos limang minuto bago siya lumabas. Consistent siya lagi sa five minutes na 'yan bago sumilip ng bintana.



Pagkasilip niya ay agad akong kumaway sa kanya.


Nawawala wala na talaga ang hiya ko sa kanya. Baka sa susunod na nag-uusap kami ay di ko maiwasan na mamura siya. Kung mamura ko man siya e, expression lang 'yon. Kaso nakakatakot baka damdamin niya.


"Pag gantong oras ba e tapos ka na kumain?" tanong ko at umupo na saking study table. 


Naalala ko bigla baka kasi naiistorbo ko siya.


"Walang oras ang pagkain ko."


Napatigil ako sa pagtanong. Isang beses nalang ako magtatanong dapat e. 


Ang hirap pala kapag napipigilan kang magsalita at magtanong.



"Nakakafrustrate... habaan mo naman ang sagot mo para hindi na ako mag follow-up questions. Like ayan, bakit walang oras ang pagkain mo..."



Tumingin siya sakin tila ba sinisigurado kong tanong ba ang aking sinabi.




"Oh hindi iyon tanong... sample lang, suggestion ganun."


Nag-iwas siya ng tingin at tila sumang-ayon nalang saking sinabi. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga.



"Depende kung ano oras ako magising. Tsaka lang ako kakain." napilitan niyang sagot.



Kaya pala medyo payat siya kahit tulog siya nang tulog.


"Kami dito on time lagi kumain.6:30 or 7:00 pm kumakain na. Si mama kasi inaabangan lagi yung drama sa TV. Kaya gusto niya wala na siyang aasikasuhin pagdating ng 7:30pm... anyways, thank you pala ulit doon sa yema."


Kung gagawan ng ratio ang aming salita, nasa 1:15 sa kanya yung 1 akin yung 15. Okay nadin...pero sa totoo lang, malaking bagay na yung napapayag ko siyang makausap siya. Or siguro bored na bored lang din talaga siya.

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon