Paper 10

62 10 4
                                                  

Pinagsasabi ko ba dito? Ano ba self lakas na naman ng tama mo.


"Sige pasok na ko. Salamat ha. Sorry sa abala."


Exit na. Hindi ko alam paano ko sasabihin na binibiro ko lang siya. Baka sabihin niya e napaka weird ko. Hindi pa nga kami close e. Baka mapikon.

Tumango lang siya.

"Ay teka babalik ko na pala sayo 'tong guitara."


"Tsaka na. Magpractice ka muna."


"Sure ka? Di mo gagamitin."

Baka kasi ito lang ang libangan niya. Pero mukang ayos lang naman sa kanya.


Pero teka...


"Oo nga pala... ano pala yung gumagalaw sa likuran mo..parang nakahang."

Hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman iyon. Napalingon siya sa likuran niya.


"Damit ko. Pinapatuyo."


Napatango tango nalang ako. Mukha kasing nakabigting tao. 

Napahinga ako nang malalim. Naalala ko si Trevor, nung puntahan kasi namin siya sa kanyang apartment dahil dalawang araw na siyang di pumapasok at nagpaparamdam ay dinatnan namin siyang nakabigti at wala ng buhay.


Nanghina ako bigla. Naalala ko kasi ang itsura niya nung walang buhay. Halos gabi gabi ako noon di makatulog. Tuwing makakatulog man ako e mapapanaginipan ko ang itsura niya.


Napatitig lang ako kay Janus, hindi ko alam bakit lagi ko naaalala si Trevor sa kanya. Parang si Janus, hindi banaad sa mukha niya ang depression... ganun din noon si Trevor.


"Janus..." tawag ko sa kanya nung may mapansin akong kakaiba sa palapulsuhan niya. Ngayon ko lang iyon nakita.


Nilingon niya lang ako bilang tugon.

Agad ko inalis ang tingin doon at tumingin sa kanyang mukha.


"Ano pala yung kumalabog kanina?" tanong ko.


Napahaba na naman yung pagdadaldal ko. Sabi ko e exit na ako.


Tumingin siya sakin ulit. Tila nag-aalangan kung sasagot.


"Si snowy, pusa ko."


"Hala! Sayo ba yung persian?"


"Oo."


"Ang tipid mo sumagot 'no." sabay natawa ako.


"Sinagot ko lang naman ang tanong mo."


"Pag kailangan mong kausap, andito lang ako. Andito lang naman ako sa kwarto palagi. PAG lang naman...bilang pasasalamat sa pagpapahiram ng guitara at pagturo..."


Napasulyap lang siya sakin at agad din nag iwas nang tingin. Tila nag iisip ng sasabihin. Kesa nagkukulong siya e magpalipas oras nalang kami. Mukhang madami din akong matutunan sa kanya lalo na sa guitara.



"Wag na, wala naman akong maikekwento sayo."


"Edi magtatanong nalang ako sayo kung anu-ano. Tapos sasagot ka lang."

"Mukang ikaw ang may kailangan ng kausap. Ang daldal mo e."


"Hahahaha! Halata ba? Ang lungkot kasi hindi ako makalabas ng kwarto."


Alam ko, hindi naman siya magkikwento ng tungkol sa kanya. Pero tama siya pabor din sakin ang may ibang makausap. Hindi ko talaga kaya ng walang nakakausap verbally.

"Hindi ako masayang kausap." aniya.

"Ako masayang kausap..." nakangiting sabi ko. "...Ka."


Tumaas ang kilay niya ng di ako tinitignan.


"Hahahahaha! Joke lang pinapatawa lang kita ang seryoso ng mukha mo e. So ano payag ka na? Oh ganto nalang pag gusto ko nalang kausap sulat ako sayo..."



Kasi for sure, hindi naman siya mag initiate ng usap.


"Tapos kapag free ka okay... pag ayaw mo naman ayos lang din... tanong tanong lang ako tapos sagot sagot ka lang ganun." dagdag ko.


Ang consistent ko ha. Epekto 'to ng pag iisolate ko rito sa kwarto e. Desperada na ako may makausap. Tsaka medyo curious din talaga ako sa kanya.


"Only 2 questions per day."

Nagulat ako sa sagot niya. Ganun siya ka reserved na tao. Halatang ayaw niyang may makaalam ng tungkol sa sarili niya. Halatang hindi siya sanay mag open at magshare tungkol sa sarili. 


Napansin niya sigurong matanong akong tao.

Nilimitahan niya na para hindi ako tanong nang tanong. Gaya ngayon tanong ako nang tanong sabi ko nang e-exit na ako kanina pero andito padin ako.


"So is that a yes?"

"Yeah."

"Okay. Thanks! Bait mo naman pala. Anong time mo prefer? Hahaha."

"Mga gabi siguro."

"Waw. So... Tonight with Boy Abunda late night show ba ito?"


Siya ang guest ako si Abunda. Putek. Natawa ako doon.


Okay... gagawin kong makulay ang pag-stay mo dito Janus habang andito ako. :)


Napatingin ulit ako sa kanyang kaliwang palapulsuhan, meron siyang mahabang peklat doon. Indikasyon na naglaslas siya noon.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Arkisteph

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon