Paper 5

82 10 1
                                                  

March 15

CORONAVIRUS UPDATE

Twenty-nine new cases have been confirmed on March 15, totaling 140 cases.



"Oh bakit maga yung mata mo?" tanong ni mama nung ihatid ang pagkain ko.


Napabangon ako at napaupo sa gilid ng kama. Hindi ako nakatulog ng maayos, napasilip ako ulit sa kaharap na bintana.


"Ma, may iba na bang kasama dyan si Lola Milan sa kanila? Bukod kay ate Mayet ha." balisa kong tanong.


Si ate Mayet e yung kasambahay niya.


Nanatili si mama sa kanyang pwesto mahigit isang metro ang layo mula sakin. 


"Ah oo, 'yong kapatid sa labas ni ate Mishileen mo."


Napatango ako sa sinabi ni mama. Somehow e nakahinga ako nang maluwag. Mas okay na sakin na totoo ngang may tao dun kesa isipin kong minumulto ako.


"May kapatid sa labas si ate Mishileen?" napatsismis tuloy ako bigla.


"Oo, sa side ng papa nila. Nauna lang siya dumating dito mga ilang araw bago ka makauwi. Bakit mo natanong?"


Umiling lang ako.


"Sige ma thanks po."


"Mag exercise ka nak ha. Wag puro nuod."


Sabay labas niya ng pinto. Narinig ko na naman siyang nag spray. Siguro ay nag-sspray siya ng alochol sa door knob.


PASSIONATE DESIGNER:


Lei: Wala padin update si sir. 


Maja: Pinipilit ko nga i-email satin yung file ayaw talaga.


May submission pa naman akong interior bukas. Bahala si sir kung ayaw niya nako! I-enjoy ko nalang 'to habang walang pasok.


Yung client pa naman namin nun ay isang Chinese. Chinese...

Kelan nga ba yung huling meeting namin sa kanya?


Me: kelan nga ba huli natin meeting kay Mr. Chua? 


Tefi: Nung Feb 20. 


Kinabahan ako bigla. 


Marsha: Putcha sinisipon na ako guys.


Lalo ako kinabahan, si Marsha kasi ang kasama ko at si sir sa meeting with mr. Chua sa Coffee Bean.


Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon