Paper 2

126 14 5
                                                  

March 13

CORONAVIRUS UPDATE:

Twelve new cases were confirmed on March 13, totaling 64 cases.

The first cases in Bataan, a resident of Orani, and Pampanga were confirmed.


Napakusot ako ng mata tsaka binasa ulit ang news update. 


"No no no!" taranta ko nung maalala kong bawal kusutin ang mata according to DOH. 


Pero okay lang siguro? Kagigising ko lang naman. I mean wala pa naman siguro masyadong virus at bacteria ang kamay ko kasi natulog lang naman ako. 


Nataranta ulit ako nang mapatingin sa cellphone ko, yung cellphone ko. Madaming germs for sure.


Dali dali ako pumuntang banyo at naghilamos. Natulala ako ng ilag segundo. Meron na daw first case sa Bataan? What the! 


Sino 'yon? Feeling ko tuloy e not feeling well nadin ako. Nakakapraning.


"Wala na talaga ako mabilhan face mask." reklamo ni mama nung makauwi galing grocery kasama si kuya. Grabe, ang dami.


"May balita na ba kung saan galing ang first case dito satin? Nanggaling daw ba siyang Manila?" alalang tanong ni papa.


Tumingin sakin si kuya nang nakakaloko. 


"Kapal nito baka nakakalimutan mong galing ka din Manila kuya."


"Bakit tinignan ka lang ah. Tsaka mahigit isang buwan na ako andito."


"Oh maglilinis tayo ng bahay. Pati kwarto niyo linisin niyo. Kuskusin ang mga sahig." aligagang sabi ni mama.



Ano ba 'yan wag naman magpanic kinakabahan tuloy ako. Wag naman po sanang dumami pa ang mahawa ng virus. 


Hirap na makabili ng alcohol at facemask ngayon kaya kailangan magtipid.



Matagal na walang gumagamit ng kwarto ko kaya naman ang alikabok. Pinusod ko ang mahaba kong buhok tsaka binuksan ang dalawang bintana. Ang init pero kailangan ay maging well ventilated ang kwarto. Tipid sa facemask so tamang panyo muna ako ngayon as mask.


Binuksan ko ang spotify ko at kinonekta saking speaker. 


"Ano kaya magandang playlist?" 


Ito nalang, morning stroll. Nakakagana talaga maglinis kapag may music. Sa lahat nalang ata ng bagay e kailangan ko ng music, tuwing papasok ng office, tuwing nasa office at after office. Kahit weekends ay music padin.


Pero legit yung motivation maglinis apag may music. Nagsimula ako saking mga libro, tinanggal ko saking shelves. Madami akong libro sa kwarto about interior design at mga fiction books.  Tapos, mahilig ako sa matured na story. I love SPG. charot!


Ang kwarto ko ay charcoal gray and white ang color theme, scandinavian design. Ako ang nagdesign nito simula sa shelves, decorations, furnitures, fabric and other small details.



Dahil naglilinis naman na ako ay pinagpalit ko ang pwesto ng iilan sa mga gamit ko. Inusog ko ang mesa at tinapat sa bintana. Nilipat ko iyon galing sa kabilang sulok ng aking kwarto para mas maliwanag ang pwesto. Lately ay mas gusto ko mag work gamit ang natural lights. Saves energy.


"Hala Shawn!" kinikilig kong sigaw nung marinig ang intro ng Fallin' All In You.


Binitawan ko ang picture frame na pinupunasan ko para laksan ang volume ng speaker. Todo ko na tutal ginagawa ko naman 'to noon pa at walang nagrereklamo. Nasa kwarto naman ako at nasa taas.


Grabe talaga ang ganda ng kanta na 'to ni Shawn. Napakasarap ng ...kanta mo Shawn!


Pag may nanligaw sakin tapos ganyan yung boses. Ay ewan ko nalang. Baka mapa 'yes I do' ako.


Manunuod ako mamaya ng Hunter X Hunter sa netflix. Namiss ko mag marathon.



"Fallin' All in...you. Huh?" Napatigil ako sa pagsabay sa kanta nung may lumipad na eroplanong papel saking bintana. Naglanding 'yon sa ibabaw ng mga libro kong nakakalat sa sahig.


Dinampot ko at napakunot ang noo.


Si kuya 'to! Nantitrip kitang naglilinis e!


Sumilip ako sa bintana. Para tignan siya saming bakuran. Pero wala siya doon. 


Bilis tumakas ah.


Binuklat ko ang papel nung mapansin kong may bakat ng tinta ng ballpen.


'Pakihinaan yung music miss.'


Tss! Miss mukha mo. Bababa na sana ako para puntahan si kuya nung maalala kong...

Tinignan ko ulit yung sulat. Hindi 'to sulat kamay ng kuya ko.

Kanino galing 'to?



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Arkisteph

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon