Paper 6

57 11 2
                                                  

March 18

CORONAVIRUS UPDATE

Six new cases were confirmed on March 18, totaling 193 cases.


Tamara: be balita ko andito ka daw sa Bataan?


Me: oo, last week pa. Ikaw ba? I miss you na be.


Tamara: last week din. Hahaha! I miss you too malandi ka. Sabi may naghatid daw sayo nakakotse ah.


Me: Tangek. Kawork ko yun! Ikaw kamusta na. Gusto ko pumunta dyan para makapag chika.


Tamara: Tsaka na baka magkahawaan pa tayo. Chat chat lang muna.


Me: Sino pala nagsabi sayo na andito na ako?


Tamara: edi yung kababata mo. Si Mikoy.


Tamara: tinatanong kasi niya ako kung boyfriend mo daw naghatid sayo.

Me: Hahahaha! Hayaan mo siya.

Tamara: ganda mo be. Sana all. Crush ka padin nun lakas mo paturo naman.


Loka loka talaga 'tong si Tamara. Siya ang pinaka close friend ko nung highschool ako.


Me: Ayun be yourself lang hahhaha charot. Ano kamusta na kayo ng crush mong taga Adamson.


Maganda 'tong si Tamara. Muse nga namin siya e. Kaso yun nga lang ang problema sa kanya kaya di siya sineseryoso ng mga lalaki. Nakakalimutan niyang magpakipot. At sa sobrang friendly niya feeling ng mga lalaki e gusto sila ni Tamara.


Isa pa pag nagkagusto siya, siya rin ang nanliligaw.


Tamara: ayun, di na ko pinapansin.


Makapag advice naman ako kay Tamara e akala mo hindi din ako naghabol. Well, hindi naman talaga. Umiyak lang naman ako nung nalaman ko na yung ka fling kong taga UST e may gf na.


Nainip manligaw sakin. Mga lalaki talaga may reserba lagi.


Kaya simula nun nawalan na akong gana makipagkilala at kumilala ng bagong lalaki.

Focus mo na ko sa career ko. Lol


Umikot lang ulit ang araw ko sa KATUBAIN.

KAin
TUlog
BAsa
INternet


Hindi ako masyado nanunuod ng news dahil napapraning ako sa mga nababalitaan.


Ilang araw na masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Miss ko na ata ang work. Charot.



"Gusto ko matulog ulit."


Nanatili akong nakahiga at pinipilit matulog. 11:30 pm na. Gusto ko itry matulog nang maaga baka mawala ang sakit ng ulo ko.

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon