Paper 4

74 11 3
                                                  


"Ah eh."


Di ko alam isasagot ko. Napaatras yung luha ko bigla sa kaba.


"Matulog ka na nga. Anong oras na at nagpupuyat ka pa. Bukas ka na magbasa." ani mama habang nakadungaw sa pinto.


Di ko narinig na nagbukas iyon. Masyado akong naging abala sa pagbabasa. Sa totoo lang, isa ito sa kinatatakutan ko. Yung mahuli ako ni mama na gising pa tuwing madaling araw. 


"Opo ma." sabay sara ko ng libro.


"Isara mo ang mga bintana."


"Opo. Sige na ma goodnight."


"Tama na yan ha para kang abnormal iyak iyak dyan akala ko ano na nangyari sayo. Kala ko tuloy broken ka e."


Mas nakakaiyak yata ang sinabi ni mama.


"Anong broken ma wala nga pong jowa."


"Sige na. Pahinga ka na."


Sinara na iyon ni mama at parang narinig ko pa siya na nagspray. Nagspray ata siya ng alcohol. Ano yun bitbit ni mama paakyat dito?



March 14

CORONAVIRUS UPDATE

Forty-seven new cases were confirmed on March 14, totaling 111 cases.


7:10 am

Grabe, ang aga ko magising. Late na nga ako natulog e. Pagbangon ko e nakita ko na may pagkain na saking study table.


Hotdog, ham at sinangag. Sarap! Inaantok pa ako pero kakain na ako at mukang bagong luto iyon.


Naghilamos na ako at kumain. Binuksan ko muna ang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Hays, grabe habang lumilipas ang mga araw lalong dumadami ang pasyente.


Habang kumakain ay nanunuod lang ako ng fb video. Nauuso itong tiktok. Okay nadin at pampawala ng stress.


Mga pinoy talaga kahit krisis gumagawa padin ng paraan para maging masaya.


"Grabe ang kinis naman nito."


Nagkakaroon ako bigla ng identity crisis. Hindi lang kasi sayaw nila ang nakakamangha. Pati itsura at kakinisan.


"Ang sexy pa."


Mapapasana all ka nalang talaga.


Ako kasi e morena. Pero ayos lang. Pero parang gusto ko din matry maging maputi. Hindi din naman ako mataba pero tinatawag akong baboy ng kuya ko. May belly fats lang naman ako.

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon