Paper 3

69 12 5
                                                  


"E-Isolate niyo muna 'yang si bunso ma. Wag niyo po papalabasin. Tsaka wag na muna kayo maglalapit sa kanya, bunso... hanggat maari dun ka lang muna sa kwarto mo for 14 days." ani ate Fatima sa videocall.


Andito kami sa sala at nanunuod lang ng movie pagkatapos namin mag dinner nung tumawag samin si ate.


Napatingin sakin silang tatlo. Di ko alam kung ano mararamdaman ko. Maaawa ba ako sa sarili ko?


"Di naman siya inuubo anak." paliwanag ni mama. Kaya nga.


"Ma, may mga tao kasi na asymptomatic. Sila yung infected pero walang symptoms." dagdag na paliwanag ni ate.


"Pero pwede ba siya maghugas ng plato? Or maglinis dito sa baba?" singit ni kuya sabay ngisi sakin.


Epal talaga! Ano ba 'yan, yun na nga lang pakonswelo ko sa sarili ko if ever.


"Wag na muna, after nalang ng isolation niya. Doon lang muna siya sa kwarto. Lagi kayo maghuhugas ng kamay."


Napabunyi ako sa loob loob ko. Ligtas ako sa hugasin for 14 days. Tinignan ako ulit nila papa.


"Ayos lang ako basta dalhan niyo ko lagi pagkain sa kwarto hahhaha!" sabat ko.


Sanay naman ako nakakulong lang sa kwarto, kahit pag nasa apartment din naman ako e mag-isa ako.


"Okay sige, ikaw kamusta ka dyan anak? Mag-ingat kayo dyan ng asawa't anak mo." bilin ni mama.


Bukod samin dito, inaalala ko din ang ate Fatima. Sobrang prone niya sa virus dahil sa hospital siya nagtatrabaho. Pero kailangan padin niya magwork, maayos naman daw ang benefits nila doon at mga needs nila ay naibibigay naman. 


Hindi nga lang siya umuuwi sa bahay nila dahil baka mahawa ang pamangkin ko at ang asawa niya na Canadian.


Si ate Fatima ang gumastos ng pag-aaral ko sa interior Design. Sobrang mahal ng course ko pero naigapang niya kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.


"Tiis nalang muna anak ha. Di ka naman namin pinan didirihan, kailangan lang natin mag-ingat." sabi sakin ni papa at pinapagaan ang loob ko.


"Sus ayos lang 'yon pa, sarap nun sa kwarto lang ako tapos may pagkain hays."



Masaya na nakakalungkot, kasi di ako makapagtigil dito sa baba para makapagbonding sa kanila.Well okay nadin. As long na kasama ko sila dito sa bahay. Mahalaga e safe kami.

Tsaka kailangan mag-ingat, may katandaan na din ang magulang ko. Mahirap kapag sila ang nahawa. 


Umakyat na ako sa kwarto ko at naglaro nalang ng CALL OF DUTY with Passionate Designers.


Sobrang pro na ng mga ito sa COD. Lagi kaming pang No. 1 sa Battle Royale. Pag naglalaro kami at naka mic on palagi. Sobrang intense ng larong 'to talagang mapapasigaw ka.

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon