Paper 1

439 20 5
                                                  

March 12, 2020

CORONAVIRUS UPDATE:

Three new cases were confirmed on March 12, totaling 52 cases.



Grabe, nakakatakot na ang mga nangyayari. Katatapos lang ng eruption ng bulkang Taal e ito na naman. Ayoko na nga muna mag fb, lalo lang ako napapraning sa mga nababasa ko.


"Grabe si sir ano? Ayaw talaga ipauwi ang work. Yung iba nga di na pumapasok wfh nalang." reklamo ko kay Tj na abalang nagmamaneho.



"Iniisip ko kung nababa ko ba yung breaker sa apartment . Sana nababa ni Lei." aniya.


Tignan mo 'tong lalaking 'to di man lang pinansin sinabi ko.


"Oo nga e, akala mo naman e nanakawin ang files." sagot niya sabay ngisi. Sumulyap siya sakin at nakitang masama ang tingin ko sa kanya.


Lutang kausap 'tong si Tj e, di ko alam kung minsan sinasadya niya.


Oo nga, naibaba ko din ba yong breaker sa apartment ko? Tetext ko nalang si Aling Felicia para icheck. 


"Pinapapasok pa nga sila architect Tefi ngayon. 'Yong mga taga metro Manila. Tindi e." sabi ko at napapailing nalang.


Sa firm namin e dalawa lang kami ni Tj ang Interior Designer. The rest ay puro Architect na.


May pasok dapat kami ngayon sa Makati pero nagpaalam na kami nila Tj, Lei at Marsha kahapon na kailangan na namin lumabas ng Metro Manila at umuwi na saming mga pamilya, bago pa magsimula ang community quarantine sa takot na di na kami makalabas ng syudad. 


Hindi na namin alam anong plano dahil wala pang concrete na plan ang gobyerno at ang office. Basta ay uuwi muna kami ng Bataan ni Tj, buti nalang at taga Bataan din siya kaya nakisabay ako pag-uwi. Taga Mariveles siya at ako ay taga Balanga.


Mahirap mag commute, nakakapraning feeling ko e may virus na lalapit sa akin lalo na ngayon ang daming nag-uuwian kaya ang heavy din ang traffic.


Hapon na nung makarating kami ng Bataan ni Tj, hinatid na niya ako mismo sa tapat ng aming bahay.  Pagkita nang pagkita ko sa gate namin e abot tenga na ang ngiti ko. Iba talaga ang feeling kapag nakakauwi ka sa pamilya mo.


"Thanks Tj, libre kita alak pagbalik natin Makati." kindat ko sa kanya sabay sign ng okay. 


Ngumisi siya at umiling. Mahal niya ang alak.


"Alam mo, tigilan mo  yang ganyan. Kung hindi lang kita kilala e iisipin kong pa-fall ka. Sige chat chat nalang."


Abnormal talaga. 


"Ayaw mo muna bumaba? Pakilala kita kina mama."


Tinignan niya ako at natulala, napansin ko din ang pamumula bigla ng pisngi niya.


Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon