Paper 9

75 11 5
                                                  

Kinabukasan...


"Kaninong guitara yan anak?"


Tanong ni mama nung ihatid ang tanghalian ko dito sa kwarto.


Napatigil ako sa pagpractice at ngumuso sa bintana.

"Di ko pa pala alam pangalan niya."


Nahiram ko 'to ng di nalalaman ang pangalan niya.


"Oo nga, nabanggit nga ng lola Milan mo."


Naku nagtsismisin na sila.


"Mama diba bawal po ang makipag usap sa labas. Panay tsismis ata kayo."



"Loka. Dyan lang kami nakakapag usap sa may gate tuwing umaga. Pag magwawalis sa garahe."


Oo nga pala, yung fence kasi doon sa may garahe ay grills. Kaya makikita ang kabilang bahay.


"Natuwa nga ang lola Milan mo at lumabas daw ang apo niya ng kwarto kagabi."


"Talaga po? Hindi ba siya nalabas ng kwarto?"


"Hindi daw. Gusto lang lagi sa kwarto at magkulong. Bababa lang para kumain. Minsan di nadin kumakain. Puro tulog lang ang ginagawa."

"Sabagay... ganun po talaga ma ang may depression, gusto nila lagi e-isolate ang sarili nila. Tapos tamad sila magkikilos."


"E ikaw? Hindi ka ba nakakaranas ng ganun? Lalo na ngayon naka isolate ka?"

Binitawan ko ang guitara at pinatong sa ibabaw ng kama.


"Hindi naman ma. Stress lang pero di naman ako nade-depress. Enjoy din naman kasi nagagawa ko mga gusto ko ngayon."


"Sabagay, sa daldal mong 'yan mukhang maayos naman ang yung mental health. Buti nalang at pinakain kita ng pwet ng manok dati ng bata ka pa."


"Ewan ko sayo ma anong connect nun sa pagdaldal hahaha."


Well totoo, kahit sa office ako ang pinaka lagi. Pinaka malakas tumawa, pinakamadaldal, pinaka friendly kaya lagi ako kasama sa mga meeting. Kumbaga extrovert ako.


Nanghihina ako pag walang nakakausap. Kaya kahit sa chat e madaldal ako. 


Kaya sa office, kapag may concern sila kay sir sakin pinapadaan ng mga kawork ko tapos ako ang kakausap kay sir.

'Mamayang 6pm ko nalang ibalik yung guitara mo ha.'

Sulat ko saking kapitbahay. Ilang minuto ako nag abang ng kanyang reply. Pero wala, siguro ay tulog siya.

Siguro nga kasi lagi naman patay ang ilaw niya.

Your Pen And PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon