Chapter 7

22 4 0
                                    

Chapter 7

"Pwede mo na akong hanapin..."

Nagsimula akong mangapa sa dilim. It might sound crazy pero pilit kong idinilat ang mga mata ko para kahit papaano ay makita ko siya.

I have a strong presence when it comes to ghosts. Iyon nga lang, exception yata siya.

His presence is too weak. I can't feel it. Feeling ko ay napakalayo niya kahit na ang totoo... naririnig ko pa sa malapitan ang nakakakilabot niyang boses.

The first time we played, aaminin ko na kahit papaano ay nag-enjoy rin ako. It was fun defeating him. It satisfied me.

But I don't think I will win this time.

Wala lang naman sa akin kung matalo ako. Ang ikinakakaba ko lang ay ang parusang sinasabi niya. I don't really have any idea about that. And it's giving me... goosebumps.

Kinalampag niya ang aming bintana. Ibig sabihin, dalawa lang ang maaring pwesto niya, malapit sa pinto o sa likod ng sofa.

Nagsimula na ulit akong maglakad.

"Ano ba iyan? Ang bagal mo naman..." Naiinip niyang sabi.

Ay, wow lang!

"Palit kaya tayo, ikaw ang maghanap sa'kin, sige."

He chuckled, natahimik naman ako. "Alam mong lalo kang matatalo kapag ganiyan ang naging laban."

Ramdam kong tumakbo siya mula sa direksyon ko. Mabilis naman akong tumalikod at hinanap siya.

"Stop." There, I used the first one.

Unti-unti ay lumamig ang paligid. Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy pa rin sa paghakbang.

Kagat ko ang labi ko at nagsimulang mangapa. Shit. Nasaan na ba siya? Why can't I feel him?

Hindi ako pwedeng matalo rito!

"Fifteen seconds finished." Tumawa na naman siya.

What?! Ang bilis naman!

Gumalaw ulit siya at nagsimulang mag-ingay. Pinaghahampas at pinaghahagis niya ang mga gamit sa sala namin. Sumisigaw-sigaw din siya but I still can't identify where is his exact location.

"Hanapin mo kasi ako..."

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko?

"Mayroon ka na lang twenty minutes..."

Halos mapapadyak ako sa inis.

Ano? Nag-aaksaya lang ba ako ng oras dito?

Tumakbo ako at pilit na nangapa sa dilim. Wala akong pakialam kung mabangga na ako sa kung saan-saan.

I should find him!

"Stop." I whispered.

This is my second word. I should use my last for the remaining minutes essentially.

Lumuhod ako at gumapang sa sahig. Baka makapa ko ang paa niya.

"Faster." Aniya.

Gumapang ako papunta sa gawi kung saan ko siya narinig. Mabilis ang naging pagkilos ko dahil anytime... matatapos ang fifteen seconds.

Kinilabutan ako nang maramdaman kong may nahahawakan na ako.

Shit! Shit! Ano 'to?

Nanginginig ang kamay ko habang inaangat iyon.

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora