Chapter 64

15 2 0
                                    

Chapter 64

"So... everyone's pointing out that this is a suicide case. However, Mrs. Belinda Martinez claims that a murder happened—" Napahinto siya sa pagsasalita at kumunot ang noo. "Are you listening, Attorney?"

Natauhan ako at tumikhim.

Damn it, I can't focus!

How can I? Drakeson is literally in front of me! I've been finding him for ten fucking years! Kung saan-saan pa ako sumuot para lang malaman kung nasaan siya! Then now, malalaman ko na... he's already working?

Wow iyon!

"Continue..." Sabi ko kahit hindi naman talaga ako makikinig. Gusto ko lang makita ang pagmumukha niya, that's it!

Umawang ang labi niya.

His face did not change. In fact, mas bumata pa nga siyang tignan. He has this clean haircut and slit on his left eyebrow. May isa rin siyang piercing sa kanang tenga niya. Hindi ko alam kung nasabi ko na ba 'to pero... mukha siyang mayamang negosyante na nagsa-shabu tuwing hatinggabi.

Tang inang mukha iyan, halatang para sa'kin!

"Lana Martinez's situation triggered her to commit suicide. Even the police agreed that it's just as is. What makes her think that it is a murder? May particular evidence ba siya? Anong sinabi niya about it?"

Napatitig ako sa kaniya. "Sana ako pa rin..."

"What?"

I blinked.

Tang ina, napalakas ba?

"Ah..."

Kung pwede lang lumubog dito on the spot, nagawa ko na. Tinatanggal niya masiyado ang angas ko!

"I mean... sana siya pa rin daw ang paniwalaan ng public." Pagko-correct ko dahil nakakahiya naman kung isingit ko bigla ang unrelated matter dito. "Wala siyang proper evidence pero may proper feelings pa rin ako sa'yo..."

Nagtaka ulit siya. Napapikit na lang ako sa inis.

Ano bang pinagsasabi ko? This is work! Mamaya ko na lang ib-bring up ang past!

Bago pa siya makasingit ay nagsalita ulit ako. "May proper feelings siya sa'yo—sa company ninyo. She believes that you can turn this case as a murder or anything related with it—aside from suicide, of course."

Nagsulat siya sa notebook na kanina pa niya hawak-hawak. "What is the certainty of this case, being a murder? According sa mga available evidences..."

"Well..." I tried to focus kahit kanina ko pa siya gustong i-kiss. "Murder won't even come to one percent. Have you watched the footage?"

He nodded.

"It's impossible to murder someone and take an hour before the victim actually dies. Especially with her case. Common sense."

He took down notes again. Mukha tuloy akong teacher na nagbibigay ng remedial sa kaniyang estudyante.

"So... you can't claim the case as murder... yet?"

Tumango ako. Dapat nga wala nang dadalhin sa korte. "Unless the current footage is manipulated o may lumabas pang bagong footage patungkol sa pagpasok ng manager sa kwarto ng victim, yes..."

Bahagya niyang kinagat ang hawak niyang lapis. "How can you charge the manager, then?"

"Coercion..."

Tumaas ang kilay niya.

"It's also possible that the victim did not want to commit suicide in the first place. Maaaring... hinimok lang siya ng manager to do so."

"For what purpose?"

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now