Chapter 38

16 2 0
                                    

Chapter 38

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang tunog ng alarm ko. Pupungas-pungas akong dumilat at mabilis na chineck ang oras.

"Oh? 3 AM na?"

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. All I know is... I slept here on my table while studying. Ano pa nga bang bago? Lagi naman akong ganito.

Tumayo ako at tumalon-talon nang bahagya. Hindi ako pwedeng makatulog for the second time around dahil ngayon naka-schedule ang mock trial namin. Napunta ako sa defense counsel at ang kamalas-malasan pang case na nakuha ko ay shoplifting.

Napabuntonghininga ako.

Tang ina, bakit ba kasi ako nag-law in the first place? Feeling ko ay hindi para sa'kin 'tong career na 'to. Or better yet... dapat hindi na lang ako sumali sa mock trial. Hello, freshman pa lang ako! Hinayaan lang nila talaga kaming sumali for overview!

"At ngayon pa talaga ako nagsisi? Tss!"

Naghikab ako. Babalik na sana ako sa pag-aaral nang maisipan kong magtimpla ng kape.

Tahimik akong lumabas ng bahay dahil ubos na ang kape namin. Ang source ko lang mula kanina ay ang vendo machine na malapit sa amin. Literal na sobrang lapit, mga twelve steps away lang mula sa bahay.

Nang makarating ako ay naghulog agad ako ng limang piso. Matapos mapuno ang maliit na cup, walang pag-aalinlangan ko 'yong inubos.

"Ugh! Solid!" Sabi ko, animo'y suma-shot sa inuman. Paano, ang tapang ng kape. Para lang akong kumain ng isang dakot na lupa.

To be honest, I'm not a fan of black coffee. You know... mas trip ko kasi iyong mga frappe saka instant coffee. It's just that, proven and tested na babangon ka sa black. 'Yong mga ganoong tipo ng kape ang literal na tatadiyak sa mukha mo at ipagduduldulan sa'yo na kailangan mo nang mag-aral.

And that's what I need right now.

Naghulog ulit ako ng limang piso para sa huling kape ko ngayong madaling araw. Sa tantiya ko... I had less than 20 cups since yesterday evening—na hindi naman umepekto dahil nakatulog din ako eventually. Iyon ang awts, pain, pighati, hinagpis at kirot. Masakit na nga sa lalamunan, masakit pa sa bulsa.

"Oh?" I was on my way back nang mapansin ko si Drakeson. He's sitting on the stairs while smoking.

Wow, 3 AM? Really?

I crossed my arms.

"Anong nangyari sa'yo? May saltik ka na ba?"

Hindi siya nagsalita. I mean... it's more like hindi niya ako pinansin.

Suminghal ako. "Nagpapa-usok ka sa madaling araw? Ano ka, tambucho?"

Hinawakan niya ang sigarilyo gamit ang hintuturo niya at saka tumingin sa'kin. "Diana..."

"Bakit, Drakeson?"

He bit his lips. "Do you want to... play?"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Sagot agad."

What's with him? "Tang ina mo, ano bang laro?"

"Is that a yes?"

"Tinanong ko lang. At saka... ayoko nga! Mag-aaral pa ako, 'no!" Nahimasmasan ako bigla. "Diyan ka na nga, papasok na 'ko sa loob. Tss. Ang weird mo talaga kapag madaling-araw..."

Patakbo akong pumasok sa loob nang hindi lumilingon kay Drakeson. Bahala na siya sa buhay niya. Kung gusto niyang manigarilyo hanggang sa masunog ang baga niya, hindi ko siya pakikialaman. Ang kailangan kong intindihin ay ang pag-aaral ko at hindi ang mga trip niya sa buhay.

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now