Chapter 49

16 4 1
                                    

Chapter 49

"Is this really... okay?"

Napabuntonghininga ako.

"Yeah... I think so." I said while sticking a note on my study table.

Nakabihis na ako. I'm all set para sa reunion namin and... I won't turn back kahit hindi pa talaga ako pinapayagan ni Mommy.

As if naman mababago ko pa ang isip niya.

"You're really going?" Pangungulit ni Drakeson. Akala niya yata ay joke-joke lang itong get-up ko.

"Hindi siguro..." Panggagago ko pa.

"Hindi ako pwedeng sumama?"

Umasim ang mukha ko. "Ano ka, bata?"

"I just... no, forget it." Agad niyang bawi. "Naka-premium ba ang Spotify mo? I'll send you a playlist..."

Napakamot ako ng ulo.

"Hindi ko afford mga premium na iyan, don't even get started with me."

Napangiti na lang siya. Parang tanga. Patay na patay siguro 'to sa'kin.

"I'll share my account. I-log in mo na lang bago kayo umalis. Baka mawalan ng internet."

I nodded.

"Anong mga songs ang nandoon sa playlist?"

"Mga pang-broken..."

Kinunutan ko siya ng noo. "Hihiwalayan na ba kita para mas lalo kong madama ang mga kantang iyon?"

Umangat lang ang kilay niya. "Kung papayag ako."

Ang aga-aga, tinotoyo.

"Galit ka na niyan?"

"Para namang kaya kong magalit sa'yo." Hinila niya ang kamay ko at niyakap ako. "I will miss you..."

Napangisi na lang ako.

Sabi ko na, eh. Ulol na 'to sa'kin. Well, sa ganda ko ba namang 'to?

I hugged him back. I will definitely miss him. Hindi naman kami nagkakalayo pero parang ngayon ko lang siya nakasama ulit nang matagal.

Ano ba iyan? Tsk. Wala pa ako sa biyahe, may drama na kaagad.

Humiwalay siya ng yakap sa'kin.

Kainis, hindi man lang tinagalan nang kaunti.

"Wala pa ba 'yong kapatid ni Lord?" Maya-maya'y tanong ni Drakeson sa akin.

"Huh?" I know he's talking about Finn. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit ganoon ang tawag niya sa kaniya.

"Iyong Finn..."

"Bakit kapatid ni Lord?"

"Long hair kasi..."

Nailing na lang ako. Ang babaw talaga. "Gago ka."

"Seriously, where is he? Baka hindi pa kayo umabot sa reunion ninyo."

"Wait, I will call him." Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Finn. Thank god, unang ring pa lang ay sumagot ito. He's not responding to my text messages earlier.

"Hoy, nasaan ka na ba?" Inis kong tanong. "Ang sabi mo agahan ko tapos ikaw naman pala 'tong late!"

Tumikhim siya sa kabilang linya."I'm here..."

Napatingin ako sa paligid. Mayroon na ngang sasakyan sa kalsada. Kotse, to be specific.

Kararating niya lang ba?

Sabay kaming naglakad ni Drakeson papunta roon. Bumaba rin si Finn sa kotse niya. Naka-sunglass pa si tanga eh madaling araw pa lang.

Bakit ba napapalibutan ako ng mga engot sa paligid ko?

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now