Chapter 12

25 6 0
                                    

Chapter 12

"Hala. Napa'no ka?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Ella.

"Wala."

"Wala raw." Hindi siya naniniwala, obviously. "Para kang nababaliw. Bakit sinasabutan mo ang sarili mo? Idol mo ba si Miss Morgan?"

Natawa ako nang bahagya. Alam kong wala sa lugar ang reaksiyon ko pero kasi naman—never mind. 

I am just... too occupied today.

"Alam kong siya ang iniisip mo, pero pwede bang... tumigil ka na sa kakaganiyan mo? Mukha kang tanga, promise." Gela rolled her eyes.

"Nakakahawa ang kabaliwan niya."

Umawang ang labi ni Gela. "Ni Finn?"

Kumunot ang noo ko. "Ano namang kinalaman ni Finn dito? Si Miss Morgan ang tinutukoy ko."

"Weh?"

"Anong weh?" Inis kong sabi. "Wala akong panahon para isipin siya, 'no!"

Ano bang pumasok sa kokote niya at naisip niya iyon? I swear, si Miss Morgan lang talaga ang laman ng utak ko ngayon! How can she talk about Finn in the middle of this serious matter?

"Crush ka kaya ni Finn, hello? Hindi mo man lang ba sasabihin sa kaniya na crush mo rin siya?"

"What?" Umingos ako. "Hindi ko nga kasi siya crush!"

Ewan ko ba kung bakit pinagpipilitan nilang lahat na crush ko si Finn. Hindi naman kasi talaga, eh! Mapanot man ako ngayon, wala talaga akong gusto sa kaniya!

"In denial! Umamin ka na kasi! Crush mo siya! Crush mo si Finn! Crush mo ang—"

"Manahimik ka nga, Gela." Pag-awat sa kaniya ni Ella. "Puro ka crush!" 

Mabuti pa 'tong si Ella, concern sa'kin...

"I-crush ko kaya 'yang nguso mo?" Panggagaya niya sa sinabi ni Ryker kaya nanlumo na lang ako.

Okay, binabawi ko na ang sinabi ko kanina.

"Team Ryker ako! Bleh!" Dagdag ni Ella. "Ang astig kaya! Malay mo, sila ang magkatuluyan!"

"Mas bagay kaya sila ni Finn!"

"Ah, basta. Bet ko si Ryker!"

"No! Finn lang ang malakas!"

"Shut up!" Iritable kong putol sa kanila. "Wala akong gusto kay Finn at kaibigan ko lang si Ryker, okay? Kaya kahit magbugbugan pa kayo riyan, wala kayong mapapala!"

"Ulol! Diyan din nagsisimula iyon! From childhood friends to lovers!" Kumindat si Ella.

Napangiwi ako. Imposible naman iyon. Feeling ko ay sa mga palabas lang iyon nangyayari.

"Ang common naman niyan! Childhood crush ang mas benta!" Hindi talaga mapapakali si Gela kapag hindi siya sumasagot pabalik.

Mga baliw.

Ang dami ko na ngang iniisip, dumadagdag pa ang kakulitan nila. 

I can't stop thinking about those words, seriously. Kahit pagdugtong-dugtungin ko siya, hindi ko pa rin malaman kung anong ibig sabihin nito.

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now