Chapter 27

22 4 0
                                    

Chapter 27

Nakasimangot ako paglabas ko ng classroom. Walang tigil din ang pagsinghap ko at pagkamot ko ng ulo. Pakiramdam ko ay guguho na ang mundo ko dahil sa sarili kong katangahan.

Hangover plus exam is a ticket to hell!

Gusto kong iumpog nang iumpog ang ulo ko sa pader.

Ang galing! Napakagaling mo, Diana! Sa halip na mag-review ka, nakuha mo pang uminom! Ano ba talagang role mo rito? Estudyante o tambay sa kanto?

Tang ina lang. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag bumagsak ako.

"Ang dali naman ng exam! Wala bang part two?" Mayabang na sambit ni Justice. Palibhasa'y naglamay siya kagabi.

Sana all, 'di ba?

"Kaya nga, eh. I thought it was super hard... hindi naman pala." Si Edith.

Hindi naman pala?

Ulol!

It is hard, super! Kaya lang nila nasasabi iyan kasi mga nagsipag-review sila. Eh paano naman ako, hindi ba? Konsiderasyon para sa mga nagwalwal bago ang midterm!

"Kamustahin niyo naman ako?" Si Tristen. Siya kasi ang pinaka-unang natapos magsagot kanina kaya ganiyan siya umasta. "Exam? Maning-mani lang iyan! Genius 'to, men!"

Gusto kong magdabog nang walang tigil. 

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Mukhang ako lang ang hindi papasa sa aming lahat!

I'm very aware that it's my fault. Isang bote lang ang pinangako ko noong una then biglang nauwi sa tatlo. Marunong akong magbilang, obviously. At mas lalong hindi ako lasengga. It's just that... hindi ko in-expect na mami-miss ko nang sobra ang lasa ng soju.

"Huwag nga kayong gumanyan..." Ingrid said. She's acting so nice pero ang totoo, gagatong din iyan. "Hindi maka-relate sa inyo si Diana."

Napairap lang ako. 

"Shut up."

Natawa silang lahat.

Wala na kaming klase ngayon kaya lumabas kami ng university. We are now heading to our headquarters—charot, sa McDo.

Actually, we don't have any plans to go there until Luis texted us na manlilibre daw siya. His reason? Nadalian daw siya sa exam. Ilang beses namin siyang nakasama sa group study—which is nakatulong daw sa kaniya. I have no idea kung paano nangyari iyon pero hindi na ako nag-abalang magtanong. 

Siyempre, libre iyon, baka ma-postpone pa. Kahit mayayaman itong mga kaibigan ko, mga kuripot iyan. Ayaw gumasta ng pera. T'wing lalabas kami, hati-hati pa kami sa bill. Lagi iyon, kahit may special ocassion. 'Ni isang beses, hindi man lang sila nanlibre.

Madadamot ang mga bwakanginang shit. Humanap na lang kaya ako ng bagong kaibigan?

"Tara lets!"

Sasakyan na lang ni Edith ang ginamit namin para tipid sa gasolina. Sa mall ang usapan namin since medyo malayo ang drive thru mula sa Shamxia.

"Bilisan niyo! Nagugutom na ako!" Reklamo ni Tristen matapos i-park ni Edith ang kaniyang sasakyan.

Wow, ha? Akala mo naman siya ang magbabayad ng kakainin namin!

"Kapal ng mukha mo..." Puna ko sa kaniya. "Kung ako ang driver, kanina pa kita nilaglag sa daan."

He smirked. "Kaso hindi nga ikaw, paano mo ako mailalaglag niyan?"

Kinalabit ko si Edith. "Kapag pauwi, ako na ang mag-drive, ah?"

"Sure!" Masiglang aniya at saka pinatay ang makina ng sasakyan. "Gusto ko na ring ilaglag 'yang jerk na 'yan. Make sure na sa hospital kaagad ang bagsak niya, okay?"

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now