Chapter 28: Lost Angel

80 5 0
                                    

"You need to spend time crawling alone through shadows to truly appreciate what it is to stand in the sun." - anon

A NIGHT WITH THE FRONTMAN
CHAPTER 28

The next day...

2nd day ng event.

TRISTAN

Nauna pang nagising si Taka sa akin kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nauna pang nagising si Taka sa akin kanina. Nagtataka lang kasi kasi madalas kundi huli siya yung pangalawa sa huli bumabangon. Wala pang 6 A.M. kanina ng mapansin kong wala na siya sa sala kung saan kami natulog kagabi.

Tinawagan ko siya at doon ko nalaman na magkasama sila ni Kris. Naglalakad-lakad daw sila sa tabing dagat.

Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil ngayon okay na sila. Nakikita ko mismo yung pagbabago sa ugali ni Taka na kung dati bara-bara lang siya sa trabaho ngayon napapansin kong mas hands on na siya sa pagbibigay ng idea at suggestion tungkol sa banda namin.

Sa totoo lang mas productive siya ngayon kesa dati. Madami-dami na rin siyang nagagawang mga kanta na sariling compose niya. Si Taka ang main conposer ng banda at inaalalayan namin siya kapag lalaparan na ng tunog.

Natutuwa ako kasi mas nagiging purisgido siya sa ginagawa niya at alam ko na si Kris ang nagbibigay sa kanya ng insipirasyon para mas lalo png galingan.

Hindi ako tutol sa kung anong meron sa dalawang iyon basta ang sakin lang hindi kakalimutan ni Taka ang responsibilidad niya sa banda wala kaming magiging problema.

Nagkape muna ako habang inaantay na magising ang mga kasama ko. Maganda ng sabay-sabay na kaming bumaba para kumain ng almusal.

"Kris... girl?"

Napalingon ako don sa boses ng babae sa likod ko.

Nakita ko si Jessie na halatang bagong gising. Napakagulo ng buhok at namamaga pa ang mata niya. Nakasuot siya ng oversized shirt at maiksi na shorts.

Umiwas ako agad ng tingin.

"Wala siya."

"Saan siya nagpunta?"

"Sa labas. Magkasama sila ni Taka."

"Ha??? Anong ginagawa nila don? Eh napaka-aga pa."

"Naglakad-lakad." Sabi ko.

"Oi Tristan pagsabihan mo nga yang kaibigan mo. Aba, ang aga-aga umiiscore ba naman sa bestfriend ko."

Tinignan ko siya ulit.

Hindi ko maintindihan sa babaeng to kung bakit ba tutol pa rin siya kila Taka at Kris samantalang siya ang numero unong dahilan kung bakit nagkaayos yung dalawa.

Kahit kailan talaga hindi ko siya maintindihan.

"Nakikinig ka ba Tristan?"

Tumayo na ako at kinuha yung cup ng kape ko.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now