Chapter 17: Dreamer

112 5 1
                                    

"You don't truly love someone until they've hurt you and you still think of them as the greatest person in the world. Love is the most violent act." - anon

A NIGHT WITH THE FRONT MAN

written by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

One Way Ticket by One Ok Rock with Orchestra (Guys panuorin niyo yung concert ng One Ok Rock with Orchestra ang astig! Sa mga fan na nakanuod ng live stream nila hanggang ngayon di pa din ako makaget over sa kilig/tuwa na mapakinggan sila.)

*** GET TO KNOW THE CHARACTERS ***

Kris-Zel Dianne "Kris" Mirandilla - College fine arts student. Taka's love interest.

Jessica Ellise "Jessie" Fuentez - Bestfriend ni Kris.

Takahiro Morita "Taka" Moriuchi - Clock Strikes' front man.

Tristan James "Tristan" Lustre - Clock Strikes' leader, main guitarist and back vocals.

Yuta Angelo "Yuta" Kastillo - Clock Strikes' drummer and back vocals.

Ryota "Regie" Kohama - Clock Strikes' bassist and back vocals.

(Let's go back to the story shall we?)

TAKA

Ngayon alam na ni Regie ang tungkol sa amin ni Kris-Zel salamat kay Jessie at hindi na ako mahihirapan pang iopen sa kanya ang bagay na to. (Sarcatic to habang sinasabi ko)

Pambihira talaga yung babaeng yon.

Pahamak kahit kailan.

Ngayon alam ko ng malaki talaga ang galit sa akin ng taong iyon sa di ko maintindihan na dahilan.

Kainis.

Hindi na ako tinantanan ng tanong ni Regie kung kailan at kung paano nangyare na nagkaroon ako ng anak .

Gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader sa sobrang banas sa taong kanina pa ako kinukulit.

"Tangina naman Regie tumigil ka na nga!" Sigaw ko sa kanya.

"Sagutin mo kasi ang mga tanong ko sayo--"

"Kanina ka pa tanong ng tanong sa akin di pa ba natutuyo ang laway mo?"

"Bakit may sinagot ka na ba kahit isa sa tanong ko sayo?"

Tang-inis talaga ang isang to.

"Watashi wa anata to hanashitaku arimasen." (Ayaw kitang kausapin)

"Itte yo!" (Sabihin mo na)

"Anata wa watashi no iukoto kite masen. Sore wa anata niwa kanke arimasen." (Hindi ka sa akin nakikinig. Wala ka ng pakealam don)

Makailang beses ko ng sinabi na wala na siyang pakealam sa kung ano mang nangyare sa pagitan namin ni Kris-Zel pero dahil matigas ang bungo nitong taong to ayaw pa rin akong tantanan hanggang ngayon.

Naglalakad na kaming dalawa pabalik sa apartment.

Sarap niyang kutusan.

Mababatukan ko na talaga siya kapag di pa ako tinantanan.

Babanatan ko na talaga to.

Nauna na akong maglakad.

Naririndi na ako sa boses niyang nakakairita ng pakinggan.

Bakit ba kasi sinundan pa ako nitong kupal na to e.

Kung alam ko lang na minamanmanan na pala ako ni Regie nitong mga nakaraang araw e di sana nagingat ako para di ako masundan.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now