Chapter 38 : Right By Your Side

13 1 0
                                    

A Night with The Frontman
Chapter 38
By ilovemitchietorres

NOTE : I'm still learning japanese language and how to construct japanese sentence right now. I'll indicate na lang na suppose to be dapat in japanese yung sinasabi ng character pero sa chapter na to nakatranslate na in tagalog. Meaning, isip niyo na lang na nagsasalita sila ng japanese kahit tagalog yung dialogue. I'll try to update with Japanese dialogue in the future but for now ito muna siya as is. And I use google translate on the Japanese translation. There's still some errors (e.g. typo) but don't worry aayusin ko siya soon once tapos na yung story. Thank you for reading my book. Appreciate your support!

Song for this chapter:

Right By Your Side by ONE OK ROCK

Nobody's Home by ONE OK ROCK

CHAPTER 38

KRIS-ZEL
Ang bilis ng araw at ang dami naming deadline na dapat habulin. Kailangan namin maipasa lahat ng requirements at pakiramdam ko ngayon wala akong progress.

Nakakaramdam na ako ng pressure.

Habang nagaayos ako ng gamit nakita ko yung papel na nakuha ko last time. Binigay tong flyers ng madaan ako minsan sa mall. Merong art exhibit na magaganap at lahat ng malilikom na pera idodonate sa charity. Napagbalingan ko ng atensyon yung mga nakatambak kong paintings. Maliit lang ang kwarto ko dito sa dorm at naghahanap na din ako ng pwedeng mapaglagyan nito.

Naisip ko na sumali sa exhibit na gaganapin next week. Kailangan ko ng magregister kung gusto kong sumali dahil last day na rin ng registration tomorrow para sa mga volunteer artist.

Malapit na ako sa campus ng madinig kong tumunog ang cellphone ko.

Bumungad agad ang pangalan ni Taka sa screen.

"Hello?"

"Hime (princess).... Sorry. Sorry. Sorry.... Hindi ko napansin kagabi na lowbat na pala ako kaya wala akong alarm. Gomenasai (Sorry), hindi na kita nasundo sa dorm mo—" dinig ko sa boses niya yung taranta. Parati ko naman sinasabi sa kanya na hindi niya ako kailangang ihatid-sundo dahil kaya ko naman mag-isa. Sanay naman na akong magisa parati papunta at pauwi ng dorm namin pero simula ng nagdate at naging boyfriend ko si Taka para bang naging responsibility na niyang bantayan ako.

Feeling ko binibaby niya na ako.

"Wag kang magalala. Okay lang."

"Sorry, promise babawi ako. Na saan ka na? Nakaalis ka na ba?"

"Oo, andito na ako sa gate ng campus namin."

Nadinig kong nagsalita siya ng japanese sa kabilang line. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang sinasabi niya siguro dapat magaral na ako ng Japanese language para kahit papaano may idea na ako sa mga sinasabi niya. Nakaka-amaze lang pakinggan siya magsalita ng hapon para akong nanunuod ng anime na walang subtitle.

"Mamaya susunduin kita."

"Okay, sige."

"Sorry..."

"Sige na matulog ka na ulit. Madaling araw na kayo nakauwi diba?"

"Alas tres na."

"Maaga pa. Matulog ka na ulit."

"Jaa mata ne (See you later)..."

"Bye." Nagtext naman siya sa akin kagabi katulad ng parati niyang ginagawa kapag nakauwi na siya sa bahay. Madaling araw na sila parating nakakauwi kapag may mga gig. Nagaalala ako nung una syempre sa panahon ngayon marami ng mga incident na nangyayare lalo kapag madaling araw pero parati niyang sinasabi na kasama niya naman sila Tristan. Ito ang normal na buhay nila bilang isang musikero na madalas sa gabi gising at sa umaga tulog.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon