Chapter 7: Unknown Number

179 7 5
                                    


A Night with The Front Man

Chapter 7: Unknown Number

 written by: ilovemitchietorres  

Song for this chapter: Taking Off by One Ok Rock

------------------------------------------

KRIS-ZEL

Buntis ako.

May buhay na nasa sinapupunan ko. Kapag naiisip ko ang bagay na to hindi pa din magsink in sa utak ko ang kalagayan ko ngayon.

Dati ang iniisip ko sa mga oras na to kung paano ko matatapos ang canvas na ginagawa ko pero ngayon iniisip ko ang baby na nasa tiyan ko.

Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame.

Totoo ba to?

O isang panaginip lang?

Kung panaginip man to gusto ko ng magising dahil nahihirapan na ako isipin ang bagay na to.

Pumikit ako.

Pinakiramdaman ang paligid ko.

Napakatahimik.

Nakakabingi.

Dumilat ako at pinagmasdan ulit ang kisame.

Totoo ba talaga?

Totoo ba talagang buntis ako?

Totoo ba talaga na may anak na ako?

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Doon ko na inilabas ang bigat nitong nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak habang yakap ang unan hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod.

Maaga akong nagising.

Pansin sa mga mata ko ang puyat at pamamaga nito.

Di ako pinatulog kagabi kakaisip.

Anong gagawin ko nito?

Paano kapag nalaman ni mama? Sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niyang buntis ako.

Paano na ako?

Paano na ang pagaaral ko?

Ni minsan hindi sumagi sa isip kong magkaroon ng anak sa ganitong edad. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang abutin ang pangarap kong maiahon si mama sa hirap.

Gusto ko pang masuklian at ibalik ang mga sakripisyo niya para sa akin.

Bakit nangyare to?

Bakit ako nagpabuntis?

Anong ginawa ko sa sarili ko?

Bakit ko hinayaang mangyare to sa akin?

Hindi ako papasok ngayon ang nasisigurado ko. Hindi ako pwedeng magpakita na ganito ang lagay ko. Alam ko sa sarili kong wala ring papasok sa utak ko kahit na pumasok ako ngayong araw lalo na't distracted ako.

To: Jess

Hindi ako makakapasok ngayon Jess. Masama pakiramdam ko.

Nagtext ako kay Jessie para ipaalam na absent ako ngayong araw. Nakarecieved ako agad ng reply galing sa kanya.

Sabi niya magpagaling daw ako.

Isang tanong ang pumasok na naman sa isip ko.

Hindi ko to pwedeng ilihim kay Jessie.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now