Chapter 18: How to strike the Clock Strikes?

126 7 0
                                    


A Night with The Front Man

Written by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

Lights Down Low by MAX featuring Taka of One Ok Rock

NOTE: Not proof read yet expect grammatical errors! babalikan ko next time kapag libre na ako :-)

----------------------------------

JESSIE

"Oh ano na daw sabi?"

Di na ako makapagantay sa reply ni Pres. Nagtext kasi si Jason kay Kris na inaaya kaming kumain sa labas treat niya daw sa aming dalawa. Diba nga kasi kinuha kaming photographer nung Saturday sa isang event dito sa campus.

Buti na nga lang free din ako nung araw na iyon kundi maiindian ko na naman si Kris.

Nakakakonsensya na din e.

Ilang beses ko na kaya siyang naiiwan sa ere.

I'm so sorry di ko naman sadya madalas kasi dahil nagpapasama si mama sa akin sa mga nilalakad niyang papeles kundi sa shop namin e don sa bahay naman.

Hindi ko naman maiwanan si mama magisa kasi nga hindi niya naman alam magpipipindot don sa mga automated na system.

Gaya nga ng sabi niya sa akin ako lang daw ang inaasahan niya.

Syempre ako lang ang nagiisang anak niya.

Madalas sinasabi ko sa kanya magaral na siya magpindot ng magisa kasi nga paano na lang kapag di ko siya masasamahan diba?

Ang rason niya naman di niya daw magets kung paano kahit ilang beses ko ng iexplain sa kanya ang step by step process buti pa si papa nakukuha agad yung explanation ko kaso nga lang di naman siya pwedeng magasikaso ng mga documents kasi sino naman ang tatao sa talyer namin kaya ang ending wala rin.

Ako lang din ang gumagawa.

Sinisilip ko yung screen ng cellphone na hawak ni Kris ngayon.

Maya-maya nakita kong may natanggap siyang text message.

Tumili ako.

"Oh em geee! Kay pres na ba yan?!"

"Shhh!!" Saway ni Kris sa akin.

"Wag kang maingay ano ka ba."

Nginitian ko lang siya.

"Hala bilis basahin mo na."

Binuksan na niya yung text message.


From: Jason


Free ba kayo ni Jessie ngayong hapon?

Sinulyapan ako ni Kris.

Base sa mukha niya tinaganong niya kung anong isasagot ko.

"Girl, sabihin mo OO! Go na!"

"Wait lang naman."

"Bilis!"

Nagtype na si Kris at sinabi niyang free kaming dalawa. Nagtanong din siya kung bakit.


From: Jason

Ayain ko kayo ni Jessie kumain ngayon sa labas. Pwede ba tayong magkita sa main gate ngayon?


"Halaaaaaa!!!"

"Jess!"

Halos yugyugin ko na si Kris sa tuwa. Sakto naman kasi na nagugutom na ako ngayon aayain ko pa nga lang na kumain siya pero dahil sa offer ni pres ngayon mukhang makakalibre kami ng kain.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now