Chapter 8: Disconnected

154 6 3
                                    


A Night with The From Man

Chapter 8: Disconnected

written by: ilovemitchietorres

Song for this chapter: Yung & Dum by Issues (Japanese Version) featuring Taka from One Ok Rock

--------------------

KRISZEL


To: +090545*****

Magkita tayo. Kailangan kitang makausap.


To: +090545*****

Pwede ba tayong magkita? May kailangan akong sabihin sayo ng personal.


To: +090545*****

Kailan ba kita pwedeng makausap?


To: +090545*****

Kailangan kitang makausap Taka. Please?


Nakakailang text na ako kay Taka pero ni isa don wala man lang reply. Panay ang tingin ko sa cellphone ko nagbabakasakaling may mareceive akong sagot mula sa kanila pero wala pa din.

Hanggang kailan ako maghahabol para mabigyan niya ng kahit kaonting oras para masabi ko ang lagay ko?

Hanggang kailan ko kakayanin na ganito ang set-up?

Hanggang kailan ba ako mangungulit sa kanya?

Sinubukan kong magmiscall sa number na yun at tumunog naman.

Nakatatlo ako hanggang sa ako na rin mismo ang sumuko.

Nakukulitan na ba siya sa akin?

Malamang siguro kasi kung ako naman ang nasa position niya maiirita ako at maiinis.

Wala na akong maisip na paraan para macontact siya.

Kailangan ko pa ding magtyaga para lang makakuha ng sagot mula sa kanya.

Kailangan kong magtiis para sa baby ko.

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Pipilitin kong kausapin si Taka... Kailangan niyang malaman na siya ang ama mo." Bulong ko sa sarili ko habang hawak ang tiyan ko.

Ilang text at tawag na ang ginawa ko wala pa ding reply kay Taka.

Inayos ko na ang gamit ko na dadalhin sa school. Tinignan ko yung canvas na nasa gilid. Hindi ko pa tapos dapat ngayong araw ko na ibibigay to sa nagorder na customer ko. Hindi ko na kayang magpuyat pa kaya mageextend ako ng ilang araw pa para mayari ko ang canvas na to.

Magttext na lang ako sa customer ko para imove namin ang araw ng meet-up.

Sana hindi siya magalit.

--------------------

Ang lakas ng ulan.

Ang gloomy tignan ng campus.

Ang lamig-lamig.

Nakakaantok.

Hay, ang sarap mahiga at matulog sa kama. Gusto kong maidlip kahit saglit lang. Saan kaya ako pwedeng magstay? Medyo matagal pa kasi yung next subject.

Wala akong kasama ngayon.

Nagtext si Jessie na di siya makakaattend ng morning class kaya heto ako ngayon mag-isang naglalakad sa hallway.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now